Friday, December 3, 2010

Sinungaling

sa mga sandaling ito e pakiramdam ko aatakihin ako sa puso. Minsan naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang tindi kong magtiwala. minsan nasa harap ko na, kitang kita ko na na niloloko ako, hinde pa rin ako naniniwala. iniisip ko kasi baka may reason kung bakit nya ginagawa yun. Pero tulad na rin ng sinabi nya, may mga bagay na walang dahilan. Ewan ko, addict nga ata talaga ito. kahit nga pag-ibig may dahilan e. Walang bagay na walang dahilan. HInde sumisikat ang araw ng walang dahilan, hinde rin ito lumulubog ng walang dahilan. Hinde uulan ng walang dahilan at hinde kikilos ang puso mo ng walang dahilan. pati paghinga mo may dahilan. Sya lang ang kilala kong tao na kayang magsinungaling ng walang dahilan (sabi nya wala daw dahilan). Naiinis ako sa kanya sa mga sandaling ito. Sobra...yung tipong ang pinapakinggan ko na e yung pinakamaingay na kanta ng Linkin Park. (Kung kilala mo ako, alam mo na pag galit ako, nagpapatugtog ako ng humihiyaw na kanta ng malakas ang volume tapos yung keyboard ko binubutas ko na. Ganun ako kagalit ngayon. Sobra! kung pwede lang magreklamo laptop ko ginawa na nya. Wala pa man din ako pamalit ng laptop sa mga sandaling ito.

Gusto ko magmura sa mga sandaling ito kaso naalala ko hinde nga pala ako marunong magmura...taragis na yan!

Grabe! ang init talaga ng ulo ko. Halata naman di ba? Kelangan kong magpaalis ng galit. Sino gusto uminom? Kahit hinde ako umiinom, iinom ako matanggal lang ang galit ko.

Mga lalake talaga! Mas okay pa bading sa'nyo a! At least ang bading sinasabi nila kung ano sa loob nila hinde tulad nyo magsisinungaling pa kayo. Tamaan sana kayo ng kidlat. Grrrrr!