Sabi nila, di ba, walang taong perpekto kahit pa si Mang Perpekto (matagal ko na ring inaalam kung sino ba talaga ito).
At dahil baka murahin nyo na ako pag nagpaka-emo pa ako sa natalo kong mga manok para sa Influential blogger (punta sa Barrio Siete para sa buong chika), nag-isip na lang ako ng pampa-aliw (naks! parang gumagawa lang ng kababalaghan a!)
Lahat tayo ay may weaknesses...at hinde lahat ng weaknesses ay panget. May mga taong mahina pag dating sa pag-ibig (awts!), may mga taong mahina pag dating sa pagbibigay, may mga taong ang weakness nila ay sya ring strength nila. Pinakamaganda yung huli. Ibig kasing sabihin nyan, hinde ka na-consume ng fears mo. Bagkus, nagamit mo pa ito para maging malakas ka.
Ako, madami akong kinakatakutan...weaknesses ba...
- Ilang beses ko nang sinabi ito. Takot ako sa telepono. Hinde ako sumasagot ng telepono lalo na't spokening dollar ang kakausapin ko. Bakit? I don't sound American enough. Hiya ako pag ganun. Feeling ko ang bopol bopol ko na...bukod sa baka kasi mabulol ako at hinde kami lalo magkaintindihan. SOLUTION: Kumuha ako ng taga-sagot ng tawag at taga-tawag para sa mga porenjers!
- Takot ako sa matataas na lugar...hinde nga lang halata dahil natutunan ko na ang wisdom behind "Wag kang yuyuko". Kahit ang mga EB babes ay hinde nahalata. Pa'no kasi, mas takot sa height si Star kesa sa'kin ahehehehe
- Takot ako magpabunot ng ipin...hanggang ngayon. May hinde kasi ako magandang karanasan dyan kaya takot na takot ako. Kelangan may kasama ako with matching holding hands habang binubunutan kasi hinde tumatalab ang anethesia sa'kin pag kinakabahan ako....and yeah, ayaw tumigil ng pagdurugo ang gums ko pag kabado ako.
- Takot akong magsalita sa harap ng madaming tao...pathetic dahil nagfa-facilitate ako ng trainings. Binibigla ko na lang ang sarili ko para mawala si Kaba. Kinakabahan rin pala ako pag product presentation. Plamis!
- Takot akong makasakit ng damdamin ng ibang tao kaya as much as possible, either shut up ako or oo lang ako ng oo. Well, lately (mga 2 hours ago...heheheeh), pina-practice ko na talagang maging assertive. Kelangan e.
- Hinde ako marunong magalit. Kung ang ibang tao e kaya nilang ilabas ang galit nila, ako tinatago ko. Meron na kasi akong nasaktang tao dati dahil sa sobrang galit kaya shut up na lang ako pag galit.
- Inggitera ko. Hinde naman yung nang-aaway. Inggitera ako in the sense na, nalulungkot ako kasi feeling ko, hinde ko maabot ang naaabot ng ibang tao. Kaya naman, uber kayod ako para mapantayan or mahigitan ko sila.
- Masyadong mataas ang standards ko - friendship, lablayp, trabaho. Iba ang pagpapahalaga ko sa loyalty, honesty and straightfoward-ness. Sama mo na dyan ang pagiging fair at taking a stand. Para sa'kin, if you can't make a stand, mas masahol ka pa kay Attila the Hun (di mo kilala? Mag-google) at hinde ka worth ng time and effort ko. Sori idealistic e. Ayaw ko sa lahat ng patalikod kung tumira (sasabunin ko utak mo pag green ang naisip mo) o kaya yung panay parinig lang.
- Brake fluid.Minsan talaga, nakakalimutan kong pumreno bago pa ako may "masagasaan". Nangyayari ito usually pag nagkamali ka ng tanong sa'kin. Lumalabas ang pagka-Leon...sori naman.
- Mas maiksi pa sa pila ng pelikula starring Madam Auring at Willie Revillame ang pasensya ko. Madali akong mainis...namana 'to ng pamangkin ko....namana ko sya sa mga magulang ko.
Ikaw, ano ang mga kahinaan mo?
Buy Me A Cup Of Coffee