Sunday, August 30, 2009

Ambilis Ng Problema Nya

Seryosong post 'to kaya basahing maige (R-18 kaya neng/ totoy below 18 kasama na na mga kapatid ko at magulang ko, i-close mo ang tab)

Hinde ko alam kung mali ba yung mga last posts ko pero napansin kong dumarami ang naglalanding dito gamit ang keywords na "kelan ka na-devirginize" at "matrona na sugar mommy" at "premature ejaculation". Napakababait naman ng mga words ko dito, napaka-wholesome ng dating ko. Naramdaman siguro nila na ako si Asia Agcaoili..ahek! Bakit ba, libre lang naman mangarap?!

At dahil naawa na ako dun sa nagtatanong e tutulungan na kita.

Premature ejaculation. Ayon dito, ang Premature Ejaculation or PE ay isa sa mga pinaka-common na disorder ng mga kalalakihan. It usually affects men as young as 18 years old and as old as 59 years old (oh yes, may mga..uhm...mature na lalake na naapektuhan pa rin ng PE). Isa sa mga dahilan nito ay ang masyadong pagka-concern ni pogi sa agarang pagsa-satisfy sa kanyang kalukadidang. Pwede rin namang bergen pa si pogi kaya hinde nya ma-control ang kanyang "nararamdaman". Maari din na nasanay na si pogi sa mabilisang pangyayari kaya ayun, si pogi jr e na-train na maging mabilis. May maliit na porsyento rin ng mga kalalakihan na nagsa-suffer from PE dahil sa takot sa sex or sa vagina (segue: napanood mo ba yung Teeth?). May mas maliit na porsyento na sadyang na-miss lang nila ang kanilang kalukadidang at ang mga intimate moments nila kaya nasa pinto pa lang e..schwinnggggg!

Para sa ikapagpapalubag ng iyong loob, you are suffering from PE if you meet the following ayon kay DSM-IV:
  • Persistent or recurrent ejaculation with minimal sexual stimulation before, on, or shortly after penetration and before the person wishes it.
  • Disturbance causes marked stress or interpersona difficulty
  • Not due exclusively to direct effects of substance
Kung hinde mo nami-meet yang 3 yan, wag ka nang mamroblema. Sadyang tigang ka lang ahehehehe.

Pano nga ba ito sinosolusyunan?

Una sa lahat, you need to be able to talk about this with your kalukadidang. Mas itinatago mo, mas mahihirapan kang solusyunan yan.

May tinatawag na squeeze technique kung saan tine-train si pogi at si pogi jr na itaas ang kanilang threshold for excitability (thank you Kaplan and Sadock sa phras na'to). Pwede mong gawin itong mag-isa or pwede namang isama mo ang iyong lablayp...mas makakabuti kung ang isasamo mo ay yung hinde mo pinagpapantasyahan dahil baka mawalang-saysay ang exercise na 'to at mas lalo ka pang matuwa talipandas ka!

inhel-ekshel

What you need to do is to stimulate your penis. Pwedeng ikaw o ang iyong pakner. Pag na-reach mo na ang point na parang lalabasan ka na, you or your pakner need to squeeze the coronal ridge of your glans. Matitigil ang erection at mapipigilan ang ejaculation. Pakisabihan lang ang kalukadidang mo na wag lapirutin.

Ang isa pang paraan ay tinatawag na stop-start technique by James Semans (o di ba, bagay na bagay sa trabaho nya ang surname nya?). Sa technique na ito, walang squeeze na mangyayari. Titigil lang si kalukadidang mo sa harutan nyo pag nararamdaman mo na na malapit ka nang labasan. Para ka na ring nag-withdrawal method hehehehe. Sabayan mo ang pagtigil nya ng pag-iisip ng mga asexual na bagay. I-compute mo ang 235+364759*340938/238970 raised to the 27th power - manually.

Kung hinde pa naman ganun kalala ang iyong PE, pwede namang habang nagsu-shweng-shweng kayo ng kalukadidang mo e mag-isip ka paminsan-minsan ng mga asexual na bagay tulad ng color ng kisame, ulam nyo mamaya, pamasahe mo bukas, galit ng jowa/ asawa mo pag nalaman nyang may kalikadidang ka hehehehehe

Ngayon, get wan port sheet of paper
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sino ang may lakas ng loob na mag-comment dito? hehehehehe

Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, August 29, 2009

So What?!

Teneneng-Teneng!

Tapos na ang emo-ness ko. Maraming salamat sa mga tumodo-todo ng suporta. Di ko na kayo iisa-isahin dahil alam nyo naman kung sino-sino kayo.

Haymbakmaydirsanamabits! Ay mali! Sori nameyn, hinde ko napigilan sarili ko. May mga kinaiinisan pa rin kasi ako ahehehehe...mga taong:

  1. Lintian sa kakulitan (mahina talaga ako sa makukulit, iksi pasensya ko)
  2. Mga taong react ng react ng hinde nagbabasa (o, walang kinalaman 'to sa EIB na ha?!)
  3. Mga taong mapagpanggap
  4. Mga taong, wala lang, mabigat lang talaga dugo ko

Commercial muna:

Dun sa twice nang nagse-search ng "hinde mo na pala ako mahal hinde mo man lang sinabi," pasensya ka na ngunit sinabi ko naman, hinde mo nga lang narinig hehehehe...ate/kuya/kung ano ka man, pasensya ka na ngunit anobayangpinagsasasabimoehindenamankitakilala?!

Pagpasensyahan nyo na ang segue na'to, 3 beses na kasi nyang sine-search yan e at tatlong beses rin na more than 5 minutes ang tinatagal nya dito sa blog. Secret message ata nya talaga yan for moi! hehehehehe

Yun na nga...

Pero okay-okay na ako. Medyo back to my old shining, shimmering self again. Mga konting panahon pa, makulit na naman ako. Kaso baka sa mga darating na araw, bumalik ako sa sosyalerang english na blog. Nakikita mo yang nasa kanan na "Alter Ego"? Nandyan ang dahilan.

Paano ba ako naging okay e kahapon lang kulang na lang laklakin ko yung muriatic acid sa banyo namin? Simple...sinunod ko ang mga payo ng mga prenli prens ko:

  1. Inhale-Exhale. Pero hinde ito simpleng exhale. May kasamang poot dapat yung exhale. Mala-CAT/ROTC na sigaw ang pagpapalabas mo ng hangin mula sa iyong katawan. Kailangan malakas para maibuhos mo lahat ng galit mo.
  2. Kain ng saging (scrub-in natin ang utak mo kung iba ang naisip mo). Actually, hinde lang saging ang kinain ko. Tinodo-todo ko ang pagkain. Tsalap! Dahil busog ako, mas madali akong nakakatulog so walang time para magpaka-emo.
  3. Nanood ng sangkaterbang cartoons, The Nanny at Rush Hour re-run. Masayang pelikula=magaang pakiramdam. Hinde ko kasi mapalitan sounds ko. Peborit ko kasi yung mga kanta.
  4. Nagpakalunod sa trabaho (segue: Kelangan ko ng writers at virtual assistants! Maraming maraming writers at virtual assistants. Interesado ka? Email mo ko)
  5. Dinelete sya sa phonebook, sent items, inbox, log, peysbuk at prenster. Ang maganda, hinde ko memorize ang number nya so wala na talaga akong way para ma-contact sya. Sino ba sya? Si fill-in-the-blanks-by-Winkie. Ibang usapan na si Acorn. Mas mahirap yun kasi alam ko bahay nila at memorized ko lahat ng number nya.
  6. Nagpagupit na rin ako ng buhok. Maiksi na ang buhok ko ngayon at medyo gusto kong kitlan ng buhay yung bading na gumupit. Tumatama kasi sa batok ko so nagsimula na namang maglabasan ang aking batok pimples. Nasobrahan naman kasi ng iksi yung gupit na ginawa nya. Upside= mukha na talaga akong 29, downside= mukha akong 29.

Okaypayn, hinde ko pa nagagawa ang sadjestment ni Jesse at ni Mon pero one of this days, one of this very ordinary days, you're gonna call my name and I won't be there magbabakasyon ako ng isang buong bwan...hiatus ek-ek na rin yun from blogworld.

Hinde pa ako ganap na okay. Medyo may lungkot factor pa rin pero hinde na ganun katindi. Sira-ulo kasi 'tong si Maldito e, ganda-ganda na ng page-emo ko bigla na lang nag-post na naman ng nakakatawa...ayun, hinde ako tuloy makaporma ng page-emo.

Segue ulit:

Sa mga sandaling 'to ay may nakapasak na tissue sa ilong ko. Nope, hinde ko balak magpakamatay (anuber?! Sagwa naman ng cause of death: asphyxiated by a tissue paper). Sinisipon ako. Ilong ko naman ang nagpapaka-emo. Tulad nga ng sabi ni Donald Duck, "Oh, boy! Oh, boy!" (kala mo malalim noh?!)...ang hirap mag-type ng may runny nose.

Back to regular programming:

Actually, during my emo moments, may mga bagay-bagay akong naisip at napagtanto. Siguro dala na rin ng post ni Winkie:

  1. Mahirap hanapan ng tagalized version ang "orange" at ang "brown". Tagalized, hinde spanishized.
  2. Ang isang acquaintance nakikiramay pag may problema ka pero ang tunay na kaibigan alam kung ano ang dapat gawin pag may problema ka...at hinde kelangan naka-face-to-face mo na ang isang tao para maituring na kaibigan (di ba CF?)
  3. Kung kelan yung down ka tsaka ka bibigyan ni Papa Jesaz ng reason para magsaya. Isang patunay na ayaw nya ng may nalulungkot.
  4. 'Pag nagkamali ka ng pasaload, malamang hinde mo na 'to mabawi kahit pa sa pinakamalapit na tao sa puso mo naipasa yung load. Also, hinde dahil nagpasaload ka e sa'yo gagamitin ng tao na yun yung buong load. Ite-text din nya pati mga kalukadidang nya.
  5. May mga bagay na mas magandang sinisikreto na lang. Period.

Oo, kahit sa page-emo e nakakapag-observe pa rin ako. Innate na yun sa graduate ng Psych - ang humanap ng patterns at mag-obserba sa gawain ng ibang tao...at magpaka-sophist.

Buy Me A Cup Of Coffee

Thursday, August 27, 2009

Bakit Nga Ba?

Pasasaan ba at matatapos din ang pagda-drama ko.

Daming bagay ang nagpapalungkot at nagpapainis sa'kin ngayon. Eto na ata ang pinakamahaba kong emo session simula nang maging active ako sa pagba-blog...pero hinde ito ang pinakamahabang emo-ness ko sa buong buhay ko. Oo, pinanganak akong emo. Iyakin ako sa lahing iyakin, madali akong ma-depress. Dumagdag pa dyan ang pagiging freak ko.

Mahabang segue muna:

Alam mo yung post ko tungkol sa mga multo? Hinde totoo yung sinasabi ng iba na pag nakakakita ka e pwede mo rin silang kausapin at nakikita mo kung pano sila namatay at kung nasan na sila. Matinding third eye ang meron yung taong yun. Ang totoo, hinde lahat e makukuha mo. Pwedeng naririnig mo lang sila, pwedeng nararamdaman, pwedeng nakikita mo kung pano sila namatay. Sa sitwasyon ko, nakikita ko sila kung ano itsura nila nung buhay pa sila. Minsan naririnig ko sila. May dalawang beses na naramdaman ko talaga sila. Hinawakan ako sa braso tsaka sa balikat. Katakot!

Back to regular programming:

Ayun nga, madali akong ma-depress lalo na pag wala nang araw. Maaring nagtataka ka bakit ang emo ko nitong mga nakaraang araw at ang dalas kong mag-rant. Nagkapatong-patong na problema lang tapos nadagdagan pa ng mga nakaraang nagbabalik tapos sinabayan pa ng tambak na trabaho. Kung mapapansin nyo, minsan one-line lang ang mga comments ko.

Nakaraang Nagbabalik:

Nakakainis pag merong isang tao na akala mo nakalimutan mo na yun pala hinde pa. Siguro dahil na rin sa sya ang first boyfriend ko. Pero sa isang banda, kung iisipin mo, hinde sya ang nami-miss ko kundi yung kung ano kami noon. Makwento kasi sya e. Mahilig sa mga cheap na bagay - lakad sa intramuros, ikot sa SM Manila, tambay sa bahay...mga bagay na hinde ko makita kay Acorn. Hinde kasi mahilig si Acorn na mag-gala. Gusto nya bahay lang. Kung lalabas man kami, dapat may dahilan. Alam kasi ni Acorn na bulagsak ako sa pera kaya iniiwas nya na maglalabas ako.

Sa totoo lang, sobrang miss na miss ko na si Acorn...at medyo miss ko rin si fill-in-the-blanks. Si Acorn dahil tanggap nya ako, si fill-in-the-blanks dahil pareho kami ng mga hilig. Si Acorn dahil hinde sya showy, si fill-in-the-blanks dahil sya ay showy (gulo noh?!)

Nalulungkot pa rin ako dito...kasi yung taong willing gawin halos lahat magkabalikan lang kami e hinde na free para makipabalikan...at yun namang taong pwedeng makipagbalikan e magulong kausap.

Tama nga siguro yung kaibigan ko, "If everybody deserves a second chance, would it mean we also have the freedom to waste the first one?"

Kaso, madali mang sabihin na kalimutan na lang sila pareho, mahirap gawin. Bakit? May guilt factor e. May kasalanan kasi ako kay Acorn, isang malaking-malaking kasalanan. Kung anuman yun, hayaan nyong itago ko na lang. Konti lang ang nakakaalam ng sikretong yun at ayaw ko nang dagdagan pa. Alam kong may epekto yun sa sitwasyon namin ni Acorn ngayon. Pero, sa isang banda, humingi na ako ng tawad e. Besides, hinde lang naman ako ang may kasalanan. May ginawa din syang kalokohan.

Bottomline? Tina-try ko ngayon na kalimutan sila pareho. Ang hirap to the nth degree! Bawat ikot ko, isa sa kanila naaalala ko. Bawat kanta, may memory na susulpot...kaya sana, pagbigyan nyo na mga rants ko.

Alam mo ba kung ano paulit-ulit na tugtog ko ngayon?

  1. Doors
  2. Never Let Her Go by Bread
  3. You Never Told Me You Love Me by Gabriel
  4. Love by Jim Photoglo (100x...kung may lyrics ka nito, send mo naman sa'kin)
  5. She's My Girl by Morris Gilbert
  6. You
  7. Certain Sadness (100x na rin)
  8. Trying To Get That Feeling
  9. It's Got To Be Love by Buck Fizz
  10. Should We Carry On by Airplay
  11. It Takes A Man and A Woman
  12. Sweet Baby
  13. Lost Without Your Love by Bread
  14. Hardcore Poetry by Tavares
  15. If I Keep My Heart Out Of Sight by James Taylor
  16. Part-Time Love by David Gates
  17. Words And Music by Andy Gibbs
  18. Goodbye Girl by Andy Gibbs
  19. Jennifer by Bobby Goldsboro
  20. I'll Take Care Of You by Ronnie Mislap (1,000x)

Ang epekto? Naalala ko ang mga sumusunod:

  1. Early morning jog at CCP nung 5 to 7 years old pa lang ako
  2. Early morning breakfast at TIM kasabay si fill-in-the-blanks
  3. Lunch Time singing contest with my boss at TIM
  4. Late night kwentuhan with fill-in-the-blanks
  5. Acorn's eyes
  6. Late night McDo/Chowking date with Acorn
  7. Lunch time with Acorn
  8. "Andyan na ba asawa ko?" lines

Hayyyy.....o naniniwala ka nang magulo utak ko? Hinde bale, pauwi na naman si Mama...baka saka-sakaling maliwanagan ako.

...nakalimutan kong idagdag...pag nakikita ko sila pareho, mas lalo ko rin palang nami-miss lolo ko. Imaginin mo yun, 1 taong na palang wala si Tatay sa a-dos. Nakakalungkot...hanggang ngayon naririnig ko pa rin boses ng lolo ko...miss ko na talaga sya...pero at least tahimik na sya ngayon...kalungkot lang kasi wala nang cool na makulit sa bahay...wala nang magkukwento tungkol kay Quezon...wala na...hinde ko pa rin tanggap na wala na lolo ko...

Buy Me A Cup Of Coffee

Tuesday, August 25, 2009

The Art of Letting Go

Sabi nila, isa sa mga pinakamahirap na gawin sa buhay ay ang mag-let go. Siguro kasi mahirap alisin sa sistema ang isang bagay na nakagawian mo na. O bago ka humirit nga madaling mag-let go, ngayon pa lang kokontrahin na kita. Kung talagang madaling mag-let go, bakit marami pa ring sugarol at kung anik-anik? Kasi nga, mahirap iwasan ang isang bagay na ayaw mo naman talaga iwasan. Mahirap i-let go ang isang bagay na ayaw mo naman talaga pakawalan.

Pero hinde ibig sabihin nito na hinde pwedeng mag-let go. Pwede naman....mahirap nga lang. Kelangan mo ng suporta ng mga taong nagmamahal sa'yo. Kelangan mo ng matinding pag-uunawa mula sa kanila. Kasi sa panahong guso mong mag-let go, para ka na ring sira-ulo. May mga panahong kaya mong isigaw na wala ka nang pakialam, may mga panahon naman na gusto mo na lang magmukmok sa isang sulok ng kwarto mo at umiyak ng umiyak. May mga panahon naman na sobrang pakiramdam mo hinde mo na kaya at gusto mo nang maglaslas, yung tipong sa leeg na para tatamaan agad ang iyong jugular vein.

Alam mo kung ano pa mas nakakabaliw sa pagle-let go? Yung akala mo okay ka na pero hinde pa pala. Akala mo nakalimutan mo na pero hinde pa pala. At magfo-fall ka na naman. Aasa na, this time, magiging maayos na lahat. Kaso, akala mo lang pala na magiging maayos na ngayon. Kalokohan lang pala. May kailangan lang pala sa'yo....at masasaktan ka na naman ulit...at iisipin mo na naman pa'no kalimutan yung nararamdaman mo.

Naalala ko sa CSI NY. Sabi ni Lindsey nung mag-away sila ni Danny, "I'm mad at myself because I've fallen in love with you and I have to figure out how to let that go." I don't know if I'm mad at myself. All I know is if I don't make a stand, I would forever be caught between letting go and loving him more. Hinde ko na rin kaya na maghintay sa mga bagay-bagay na walang kasiguraduhan. Kung talagang mahal nya ako, dapat gumawa na sya ng way. Dapat nag-effort na sya kahit papano. Kung talagang mahal nya ako, sana noon pa sya bumalik. Sana hinde ganito kagulo ang sitwasyon. Sana hinde ganito kagulo ngayon ang isip ko. Hinde yung ganito, hinde yung nasa dulung-dulo ako ng priorities nya. Hinde yung kelangan kong hintayin na umayon lahat ng mga bituin at mag-align ang mga planeta.

It's the truth that I've always dreaded to hear - hinde nya talaga ako mahal. Siguro noon, pero ngayon hinde na. Sawang-sawa na ako na mag-sorry, na intindihin ang sitwasyon.

Mooncake,

Kung talagang mahal mo ako, sana noon ka pa gumawa ng way. Akala mo lang mahal mo pa rin ako pero ang totoo, nanghihinayang ka lang dahil hinde sana ganito kagulo ang buhay mo kung hinde ka nagpakasal agad.

Please, wag mo na guluhin ang puso ko at ang utak ko. Tapos na tayo.

Acorn/ Mangga,

Marami ka naman kaibigan e. Maraming tutulong sa'yo. Hinde ako kawalan. Maraming babae dyan na papatol sa'yo. Sila na lang. Ayaw ko na. Tama na yung chances na binigay ko sa'yo. Kung isusumbat mo na naman yung mga pagkakamaling nagawa ko, ngayon pa lang inuunahan na kita - gawin mo yan kung sigurado ka sa sarili mo na wala kang kasalanan. Pagod na ako ng kaka-explain ng sarili ko. Kahit kelan naman hinde ka naniwala.

So....goodbye, love...

Back to square one...

PS

Mabigat na bagay sa'kin 'to ngayon. Kung wala kayong masasabing maganda at kokontrahin nyo lang ako, please pakisara na lang ang tab at sa ibang blog ka na lang pumunta. Mukha kayong sira kung kukwestyunin nyo nararamdaman ko kasi hinde naman kayo si Rhona. When you've walked a mile in my shoes, that's the only time you would understand.

Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, August 24, 2009

A Certain Sadness: Random Ramblings From A Confused Mind

Kanina pa ako antok na antok. Kundi lang dahil sa trabaho ko, kanina pa ako natulog. Kaya eto, pantanggal antok, isang wa wents na blog post.

Ekshuli senti-sentihan ako ngayon, emo ba...Kulang na lang e patayin ko ang ilaw at dumungaw ako sa bintana habang bumubuhos ang ulan. Kaso nameyn, napaka-init!

(Background music: A Certain Sadness by Astrud Gilberto...malamang hinde mo sya kilala...at kung kilala mo sya, malamang..uhm..mas matanda ka sa'kin nyahehehehehe)

Ayoko talaga nung background music. May naalala ako, 3 tao na sadyang matindi naging impact sa lablayp ko.
Darling tell me now
Have I done wrong somehow
That you won't look at me

O, kung wala kang pakialam sa kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling ito, isara mo na 'tong tab na'to.

Nakakainis yung ganitong pakiramdam. Malamang sabihin mo mag-move on na ako. 'lam mo, tama si Azul e. Minsan talaga darating sa'yo yung time na bigla mo na lang maiisip ex mo. Sa kaso ko, 3 silang sabay-sabay kong naiisip ngayon. Hinde naman sa nagmamaganda ako.In denial actually ang lola mo. May nami-miss ako na hinde ko maamin na nami-miss ko. Tulad nga ng sabi ni Manong Friendster, it's complicated. Hinde ko naman talaga sya dapat ma-miss...kaso nyemas! Mapagbiro ang tadhana. Kanina ko pa pilit sinasaksak sa isip ko si Acorn pero hinde ko magawa, siguro dahil na rin sa naiirita pa ako sa kanya.

(Background Music: You by Karen Carpenter. Nyemas! Theme song namin ni Acorn!)

Haayyyy....mahal ko naman si Acorn e (sira ulo lang talaga yung iba nyang mga kaibigan) kaso lang sa mga sandaling ito naiisip ko, pano kaya kung...(Winkie, paki-fill in the blanks)? Ano na kaya ang buhay ko ngayon? Malamang may pamilya na ako...malamang walang Talent Shout...malamang hinde ako nagba-blog ngayon.Sa totoo lang, nami-miss ko yung mga dati naming kalokohan ni ... (again, fill in the blanks) Nakaka-miss yung text to sawa, yung call to sawa (partida, hinde pa uso noon ang unlicall at unlitext). Nakakamiss yung buong araw kayong nagkukwentuhan ng kung ano-ano lang. Compare na kung compare pero hinde kasi kami nakakapag-usap ng ganun ni Acorn. Sa mata ni Acorn, lahat ng gawin ko kaya nyang intindihin o kaya naman hinde dapat seryosohin. Hinde tulad ni fill-in-the-blanks.

Pero mas pipiliin ko pa rin si Acorn. Payapa ako pag sya ang kasama ko e. Dati nararamdaman ko yun kay fill-in-the-blanks. Ngayon hinde na. Ngayon nakukulitan na ako sa kanya e. Siguro masaya lang sya na nakikita nya ako kaso ang kulit nya talaga e. Ayaw ko pa naman ng makulit. Mas sanay ako na seryoso sya at hinde makulit.

(Background Music: It Takes A Man and A Woman by Teri De Sario)

Waaaahhhhhh...ang gulo ng utak ko. Naiinis talaga ako sa ganitong pakiramdam. Nalilito ka na ba? Okay lang yan, pareho lang tayo. Hinde ako dapat maguluhan kasi wala naman talaga sa kanilang pormal na bumabalik...okay payn, si fill-in-the-blanks e atat na atat na bumalik. Ang problema kasi, hinde na sya yung taong minahal ko e. Iba na sya...bukod sa...it's complicated

(Background Music: Doors by Michael Johnson)
Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, August 22, 2009

The Thankless Job

Break muna sa mga emo at rant posts.

Last August 20, our HR egroup had its very first EB. Actually, yung iba magkakakilala na since some of us were also members of other HR egroups. It was a fun night, one that totally allows us to forget na HR kami. Masaya kasi naglabasan lahat ng mga tinatagong kalokohan especially nung mga seasoned HR professionals na. It was also a time for giving due recognition to some of the "forces" to be reckoned with when it comes to our profession - Mr. Ernie Espinosa, Mr. Danilo Pancho, Mr. James Estrada, Mr. Bong Tamayao, and Mr. Nato Lao.




During the EB, we had HR managers and executives from companies such as Edward Keller, Fujitsu, Han Kyu, Transitions, ePerformax, California Pizza Kitchen, Melaware, and Lamco. Hinde ko na maalala pa yung ibang companies.

Isa ang HR profession sa mga thankless jobs. HR bridges the gap between the upper management and the rank and file. HR people are often seen as pro-management. In reality (although this might not hold true for all HR), more often than not, pag nakasara na ang pinto at meeting na ng mga executives, it's the HR people who defend the employees. Pero syempre, pag mali ang empleyado, the most that we could do is to ensure that there is due process.

Mahirap maging HR especially if you're after fame or fortune. Wala nun sa HR. You must have the heart for helping others and you must have the conviction to do what is right kahit na hinde yun ang gusto ng karamihan. Yun ang pinakamasakit na parte lalo na if it involves someone close to your heart. Naalala ko tuloy biruan noon nung nasa Hyundai pa ako. Bawal daw ako ligawan kasi mate-terminate yung manliligaw. May jinx ba.

HR is more than recruitment. HR is about growing people, helping them to realize their potentials. From what you wear to how you do things, HR would most probably have a hand in that. When you are in HR, expect mo na na mas mauuna pang a-promote yung na-hire mo. In HR, you have to assume a number of personalities para lang maintindihan mo ang mga employees. You need to be a mother, a friend, an enemy, a disciplinarian. Stressful na trabaho sya - you get death threats, your private life is put under microscope, your every move is being watched. Any mistake could be blown out of proportion.

Ang mga nasa HR ay tao rin, no less than the people in the operations, in Accounting, in Customer Service. Whatever hurts you, could hurt us too. Hinde rin sa lahat ng panahon tama kami at hinde sa lahat ng panahon, mature kami mag-isip. May emo moments din kami. May mga times din na our emotions get the better of us. After all, tao rin lang kami.


Buy Me A Cup Of Coffee

Friday, August 21, 2009

The Boiling Point

I've written so many times about the things I hate that you would think people who regularly read this blog would already know when to stop and when to continue doing some things. Unfortunately, that is not the case....which leads me to what I am feeling right now.

This week is a very stressful one for me - deadlines, work, insensitive people, etc. Don't get me wrong, I can still crack a joke (okay, don't expect me to be cracking the funniest joke), you can still ask for my help...but don't expect me to show patience. So, just to let off steam, let me just list down what's been making me lose my cool this week:
  1. People who react without reading. This happened at Barrio Siete. There were two people who went about calling the writers of Barrio Siete as bitches, sore losers, etc. Nakakainis! These two people did not even read the posts listing down the evidences of anomaly in the EIB Awards.
  2. (Also inspired by Barrio Siete) People who think that posts in gay speak are not worth reading. Although it is very tempting to judge someone based on what you read, what you see only a part of that person, the tip of the iceberg as the expression goes. You haven't been with the person 24/7 for you to just go about bitchin' about him or her. For all you know, that person might be greater than you. A blog is one avenue for expression. What you say or how you say it can either be who you really are or someone you wish to be. A person who is shallow and corny and depressing and bitchy in a blog can turn out to be someone who is serious, logical and shy in real life.
  3. No show. When you commit to something, make sure you do it. Kung nagsabi kang sasama ka at biglang may nangyaring hinde inaasahan, magsabi ka AGAD. Don't wait for the day to arrive and tawagan ka ng mga kasama mo before informing them na hinde ka pwede or na hinde na tuloy yung lakad nyo. Hinde lang oras mo ang importante.
  4. Overly sympathetic people who are not really sympathetic but are just there to get the latest buzz. Please! I can smell your pretentiousness from here.
  5. People who seem to be clueless about what the Golden Rule is. Believe me, karma happens. Remember what they say about making a girl cry?
  6. When I say zip it, I mean just that - zip it! Shut up!
  7. When I say it's over, it's over, past, done with, the end. There's no sense in bringing it up again because it would only re-open old wounds.
  8. I'm not a mind-reader so don't expect me to know what's going on in your mind. You have to tell me what you want. And don't beat around the bush, just say it!

Like what I always say, I'm not good with anger management. Without this blog, I would just be keeping everything inside which is bad because people who just bottle things up eventually explode. I am actually nearing my threshold right now, ergo this blog. Thankfully, I was able to momentarily forget about these pet peeves a while ago when I joined other HR people for our group's first ever night-out.

So for now, tread carefully.

Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, August 19, 2009

Emo-ness

Nagiging habit ko na lately ang magdere-deretso ng walang tulog lalo na kung may meeting. Because of this, I usually sport red eyes (sorry, walang eyebags). Siguro yun din ang dahilan kung bakit emo na naman ako lately.

I've been doing some thinking and I've come to realize a number of things:
  1. Controlling my anger is a good thing but there are times when I need to stand up for myself.
  2. Making a mistake doesn't mean that I'm a bad person. It only means that I am human.
  3. Saying "Sorry" doesn't mean that you are admitting that you are wrong. It only means that you love the other person so much that you are willing to let go of your pride. However, one "Sorry" is enough (o sige, mga hanggang 10). If ayaw nyang tanggapin, if ayaw nyang pakinggan, hinde ko na problema yun.
  4. Mahirap pag sapilitan ang friendship. Since hinde kusang tumubo, walang masyadong weight. Madaling talikuran.
  5. Sometimes, I downplay myself too much that other people think I am naive or, worse, that I have nothing between my ears.

From now on, I would only pay more attention to people who are able to respect me as a person. From now on, I would only gie my heart to someone who knows how to take care of it. From now on, I would only be a friend to someone who is not afraid to speak the truth to me, someone who can be loyal to me and hinde yung patalikod kung lumaban

....suko na ako sa mga taong user, poser, etc.

Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, August 17, 2009

Talent Shout Consultancy Contest

Seryosong post muna

Most of you are aware of Talent Shout Business Consultancy. This year, we would be turning 3 years old. Because of this, we would like to invite everyone to participate in our mini-contest.

At stake:
  • $25 via paypal
  • 10% discount on books at TSBC eShop (eShop will open by September 1,2 009)
  • Php 100.00 load
  • 1-year Domain name

What you need to do:

  1. This is basically a traffic generation contest.
  2. Write a simple post about Talent Shout Business Consultancy. In your post, you would need to include two back links.
  3. Once you have made your post, put the link of your post at the comment portion of this blog.
  4. The one who generates the highest number of traffic is declared the winner.
  5. Contest period is from August 17, 2009 to September 5, 2009.
Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, August 15, 2009

Ay, Ang Laki!

Oo, malaki sya!

Naalala ko pa nung magkita kami dati ng isa kong kaibigan. Ang first reaction nya was, "Ang laki naman!"

Bag ang pinag-uusapan namin (sabunin natin ang utak mo kung iba ang naisip mo).

Ngayon malalaman nyo na bakit palaging malaki ang bag ko (at mabigat!)

Eto si bag! Kung anuman ang tatak nya ay hinde ko alam dahil namana ko lang sya kay Mama. Hinde ako madalas magpalit ng bag kasi, tulad ni Winkie na nag-tag sa'kin, nadi-disorient ako. Nagpapalit lang ako ng bag if hinde rin match sa outfit ko...pero dahil sa itsura ng bag na ito, halos swak sya sa kahit na anong suot ko. Bukod dyan, I really like this bag because it's big. I can place all things (including my laptop) nang walang problema. Bakit ba gusto ko maraming bitbit? Kasi usually, pag umalis ako ng bahay, isang bagsakann. Pinupuntahan ko na at ginagawa ko na lahat ng kelangan kong gawin. Ayoko kasi ng alis ng alis.

Eto ang laman ng aking bag on ordinary days. Not-so-ordinary days, pinagkakasya ko pati laptop. Buti na lang adjustable si bag. (1) ang napakalaking pitaka (wala yang lamang pera kasi hinde ko dyan nilalagay ang mga kaperahan ko. Ang laman lang nyan at Laking National Card, SM Advantage card, BigAtin card, picture ko at Wellness Gift Card ng The Spa), (2) Ang latest na nabili kong libro. Sa Fully Booked ko sya nabili habang inaantay si Felipe. It's a good read especially pag matagal na paghihintay ang gagawin mo, (3) ang walang kamatayang iPod. 1st gen pa yan. Antique na kumbaga hehehehe, (4) The Notebook and The Pen. Hinde pwede mawala kasi makakalimutin ako. If may maisip akong plans for Talent Shout or may ka-meeting ako, dyan ko isinusulat lahat, (5) Kikayness' kikay kit. This Girbaud pouch bag was "stolen" from my Ex bwahahahahahaha, (6) payong saka-sakaling umulan, (7) Ang pabango, Cool Water Wave by Davidoff, pambabaeng version ng Cool Water for Men. Wag maglaway, libre lang yan kasi may kaibigan si Papa na nagbebenta ng pabango, (8) Suklay. Maniwala ka sa hinde, 3 taon na yang suklay na yan. Basag na ang magkabilang dulo pero ayaw ko pa rin bitiwan, (9) Cellphone. Ekshuli, dalawang cellphone ang dala ko palagi, (10) chargers, saka-sakaling maubusan ng battery. Sorry pero hinde ako nahihiyang magtanong kung pwedeng maki-charge hehehehehe. Wala sa picture dahil nasa likod ko pala habang pini-piktyuran yung bag: yung talagang wallet ko na maduming-maduming Penshoppe na de zipper (kulay Gray na, supposed to be white sya) at ang aking USB. Hinde ko nilalabhan yung wallet kasi mas unassuming ang dating nya pag madumi. Mukhang kikay kit lang sya.

Eto ang mga mahal kong cellphone. Nokia E65 at Palm Treo 680. Mahal ko sila kasi, kahit hinde ko dala laptop ko, pwede akong mag-email at mag-browse. Si Treo din ang dahilan kung bakit nakakapag-Facebook at Plurk ako kahit na nasa gitna ako ng pila sa CR hehehehe

Eto naman ang laman ni Kikay Kit. Humawak ka sa iyong kinauupuan at baka magulat ka. (1) St. Christopher na medallion. Lapitin kasi ako ng mga naliligaw na espiritu at mga taong may masasamang balak. Ibinigay yan nung isang manghuhula na kaibigan ng tito ko. Ekshuli, hinde ako naniniwala dun sa manghuhula pero tinatago ko pa rin yan kasi si St. Chritopher ay patron saint ng manlalakbay. Dahil medyo madalas akong mag-travel, kahit pa'no, nagpapahingi ako ng protection from God through him. (2) Earphone ni Nokia at ni iPod. Mahilig kasi ako sa music at mamamatay ako pag walang kantang naririnig. (3) Syempre kelangan hinde masyadong oily kaya may Pond's na face poweder. (4) Blush on para sa mga biglaang meetings. (5) Rose Quartz para daw yan sa lovelife. Maliit pa lang ako mahilig na akong magbitbit ng crystals sa bulsa or sa bag. It helps balance my energies. (6) Rosary na galing Vatican (pagkakatanda ko)...awwww! Regalo sya actually nung dati kong boss. Everytime na kinakabahan ako for no apparent reason, hinahawakan ko na yan. (7) St. Raphael na mini-statue. Sya kasi ang guardian angel ng mga pinanganak ng Tuesday. One funny story that I have is when I had an accident. Nung dinala ako sa San Juan de Dios, I wasn't sure kung gano katindi yung bali nga mga buto ko. I was afraid na operahan nga talaga ako at lagyan ng bakal. Medyo hampaslupa mode kami noon dahil sa condition ni Mama. Nung in-admit na nila ako, I saw the name of the ward na paglalagyan sa'kin - St. Raphael. Nung makita ko yun, I knew na everything would be alright. Hinde ako inoperahan at pumayag ang doctors na ibaba yung fees nila. Bukod dyan, sabi ng boss ko dati, I have a healer's hand daw. I have daw the ability to heal other people. Siguro nga. (8) Si lipstick - Rum Punch by Avon. (9) Lip gloss by Max Factor.

Dahil na-tag na halos lahat ng prenli prens ko, hinde na ako magta-tag. Bagkus (ang lalim!), bahala na kayo if gusto nyo syang gawin sa inyong blog.

Friday, August 14, 2009

Regrets Of A Tortured Soul

Sabi nya:

Let me start by saying I never wanted to hurt you.

At that time, I though that was the best thing to do. You were so young then, so full of dreams that I felt it would be selfish of me if you would not be able to reach your full potential because of me.

But I was wrong.

Nakalimutan ko na you are far more precious than what other people would say, that your happiness should also be my happiness, that by trying to control you I was actually killing your spirit. Nakalimutan kong i-appreciate kung ano yung meron ako. At ngayong wala ka na...

Nagseselos ako, yun lang yun. Nagseselos ako sa lalakeng nakakapagpasaya sa'yo ngayon. Nagseselos ako sa lalakeng nakakapagpangiti sa'yo. Nagseselos ako sa lalakeng inaalayan mo ng awitin ngayon. Nagseselos ako kasi dapat ako ang may hawak ng kamay mo ngayon. ako dapat ang ikinukwento mo sa mga kaibigan mo. Ako dapat ang kasa-kasama mo. Ako dapat yun.

Naaalala mo pa yung "When I Met You"? Hinde ko pa rin sya kayang pakinggan nang hinde ka naaalala. Naaalala mo pa ba ako pag kinakanta mo yung "It Takes A Man and A Woman"?

Alam mo kung ano pinakamasaket na parte?

Hinde na maaaring maging tayo kahit anong gawin ko...dahil leche! May asawa na ako. Isang asawa na hinde naman ako minahal at ginago lang ako...ni hinde ko alam kung nasan sya ngayon o kung alam pa nya na ako asawa nya...dahil sa mga sandaling ito, ibang lalake ang kapiling nya...

Dapat sana ikaw ang kasama ko ngayon...kung hinde lang ako naghangad ng higit pa.

Sabi ko:

Behlat! E di nakarma ka din! Pinaiyak mo kasi ako e, sabi naman sa'yong digital ang karma.

Masaya na ako...sana wag mo nang sirain yun. You had your chance. Tapos na ang kwento na'tin. Dumaan lang tayo sa buhay ng isa't isa para may matutunan. And we did learn from it na di ba?

Let it go. We would always be friends naman e. Wag mo nang pagselosan ang lalakeng may hawak ng puso ko ngayon dahil darating din ang panahon na mahahanap mo yung babaeng hahawak ng puso mo. Wag kang matakot na magmahal muli...pero make sure na iingatan mo na sya talaga.

Alam mo, ang pain part yan ng pagmamahal. Hinde mo kasi maaappreciate ang love kung wala kang isa-sacrifice..and "sacrifice" means getting hurt, letting go of the things that are important to you. Wag mong gawing bato ang puso mo.

Honestly, it's been a while since I last sang that song. Not because I don't want to remember you but because I am already singing a different song. I've moved on.

Hinde na talaga magiging tayo...dahil mahal ko ang sarili ko...dahil ayoko ng sakit ng ulo...dahil ayokong makasira ng pamilya.

I'll always be a friend but that's all that I can offer, nothing more, nothing less.

Pag-ibig talaga! Sakit sa bumbunan!

Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, August 12, 2009

I'm Afraid To Fly

Oo naman, takot akong lumipad. Wala kasi akong pakpak.

Sabi nila, di ba, walang taong perpekto kahit pa si Mang Perpekto (matagal ko na ring inaalam kung sino ba talaga ito).

At dahil baka murahin nyo na ako pag nagpaka-emo pa ako sa natalo kong mga manok para sa Influential blogger (punta sa Barrio Siete para sa buong chika), nag-isip na lang ako ng pampa-aliw (naks! parang gumagawa lang ng kababalaghan a!)

Lahat tayo ay may weaknesses...at hinde lahat ng weaknesses ay panget. May mga taong mahina pag dating sa pag-ibig (awts!), may mga taong mahina pag dating sa pagbibigay, may mga taong ang weakness nila ay sya ring strength nila. Pinakamaganda yung huli. Ibig kasing sabihin nyan, hinde ka na-consume ng fears mo. Bagkus, nagamit mo pa ito para maging malakas ka.

Ako, madami akong kinakatakutan...weaknesses ba...
  1. Ilang beses ko nang sinabi ito. Takot ako sa telepono. Hinde ako sumasagot ng telepono lalo na't spokening dollar ang kakausapin ko. Bakit? I don't sound American enough. Hiya ako pag ganun. Feeling ko ang bopol bopol ko na...bukod sa baka kasi mabulol ako at hinde kami lalo magkaintindihan. SOLUTION: Kumuha ako ng taga-sagot ng tawag at taga-tawag para sa mga porenjers!
  2. Takot ako sa matataas na lugar...hinde nga lang halata dahil natutunan ko na ang wisdom behind "Wag kang yuyuko". Kahit ang mga EB babes ay hinde nahalata. Pa'no kasi, mas takot sa height si Star kesa sa'kin ahehehehe
  3. Takot ako magpabunot ng ipin...hanggang ngayon. May hinde kasi ako magandang karanasan dyan kaya takot na takot ako. Kelangan may kasama ako with matching holding hands habang binubunutan kasi hinde tumatalab ang anethesia sa'kin pag kinakabahan ako....and yeah, ayaw tumigil ng pagdurugo ang gums ko pag kabado ako.
  4. Takot akong magsalita sa harap ng madaming tao...pathetic dahil nagfa-facilitate ako ng trainings. Binibigla ko na lang ang sarili ko para mawala si Kaba. Kinakabahan rin pala ako pag product presentation. Plamis!
  5. Takot akong makasakit ng damdamin ng ibang tao kaya as much as possible, either shut up ako or oo lang ako ng oo. Well, lately (mga 2 hours ago...heheheeh), pina-practice ko na talagang maging assertive. Kelangan e.
  6. Hinde ako marunong magalit. Kung ang ibang tao e kaya nilang ilabas ang galit nila, ako tinatago ko. Meron na kasi akong nasaktang tao dati dahil sa sobrang galit kaya shut up na lang ako pag galit.
  7. Inggitera ko. Hinde naman yung nang-aaway. Inggitera ako in the sense na, nalulungkot ako kasi feeling ko, hinde ko maabot ang naaabot ng ibang tao. Kaya naman, uber kayod ako para mapantayan or mahigitan ko sila.
  8. Masyadong mataas ang standards ko - friendship, lablayp, trabaho. Iba ang pagpapahalaga ko sa loyalty, honesty and straightfoward-ness. Sama mo na dyan ang pagiging fair at taking a stand. Para sa'kin, if you can't make a stand, mas masahol ka pa kay Attila the Hun (di mo kilala? Mag-google) at hinde ka worth ng time and effort ko. Sori idealistic e. Ayaw ko sa lahat ng patalikod kung tumira (sasabunin ko utak mo pag green ang naisip mo) o kaya yung panay parinig lang.
  9. Brake fluid.Minsan talaga, nakakalimutan kong pumreno bago pa ako may "masagasaan". Nangyayari ito usually pag nagkamali ka ng tanong sa'kin. Lumalabas ang pagka-Leon...sori naman.
  10. Mas maiksi pa sa pila ng pelikula starring Madam Auring at Willie Revillame ang pasensya ko. Madali akong mainis...namana 'to ng pamangkin ko....namana ko sya sa mga magulang ko.

Ikaw, ano ang mga kahinaan mo?


Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, August 10, 2009

What's Wrong With Me?

O wag mo masyado literalin ang title. Nothing's wrong with me. Pinanganak akong perfect hehehehe (blog ko 'to, bawal kumontra...at oo, martial law dito). Para lang yan makapagnilay-nilay ka.

These past few weeks, I really, really cannot find any reason to write a blog. Sobrang panay one-liner lang at walang kalatuy-latoy na posts. Well, blame it to my fever, rashes, dagsang work, fatigue and lungkot dahil hinde nanalong influential blogger yung mga binoto ko.

Oo, malungkot ako.

Influential kasi para sa'kin yung nasa listahan ko at sa tingin ko, tama lang na mag-shine sila. Iba kasi ang pakahulugan ko ng "Influential". Para sa'kin, influential ka kung napabago mo ako ng punto de vista nang walang laban. Hinde kailangang humahatak ka ng libo-libong subsccribers at readers para maging influential dahil hinde naman lahat ng nagbabasa ng blog mo ay nai-impluwensyahan mo.

Ano ang influential blog para sa'kin?

Sa mundo ko, influential ka pag napapa-isip mo ako. Hinde yung tipong tatawa lang ako tapos sisigaw ng Darna! "Next!". Influential ka kung mapapa-react mo ako at mabibigyan mo ako ng dahilan para bumalik sa blog mo, regardless kung English man o Pilipino ang gamit mo, at mag-comment ng mag-comment ng mag-comment ng mag-comment ng mag-comment...energizer battery, lasts a long, long, long time. Okay, payn, korni.

Influential ka sa mundo ko kung mapapa-iba mo ako ng pananaw sa mga bagay-bagay, kung mapipigilan mo ako sa pagsasara ng blog ko at kung hinde kita pipigilang batukan ako (at talagang nakikinig ako sa payo mo).

Paumanhin ngunit kahit kelan hinde ko nakikitang influential blog (influential= someone na makapagpabago ng aking pananaw ng walang halong paghihimagsik) ang isang bloghaus na panay paid posts o panay tips kung pa'no magpataas ng pagerank o kung pa'no kumita ng milyon-milyon sa pamamagitan lamang ng blog. Mas malalim pa dyan ang depinisyon ko ng blog at hinde man astiging tao ang mga nasa likod ng top 10 ko, in one way or another, they have changed how I viewed life in general. That for me is what an influential blog is all about.

Hay, buhay! Malungkot talaga ako. Tapos ang dami pang malabong areas about the contest which I found out when I went to Barrio Siete. Kahit na si Deejay na inaasahan kong manalo ay hinde napasama. Napagtanto ko rin na pwede ko palang i-boto ang sarili kong blog (Ow yes, my dear! May nadaanan akong blog na 2 sa iba pa nyang blogs ay binoto nya. Kung ginamit ko lang ang lahat ng blogs ko, pers prayz na ako!)

Buti na lang, kahit pa'no, may good news - nanalo ako sa pa-kontes ni Mon! Oh yeah!

Kaya isang tumataginting na pasasalamat sa mga sumusunod na ka-berks ko (in no particular order):

  1. Reesie
  2. Winkie
  3. Joycee
  4. Shattershards
  5. Azul
  6. Lovely
  7. Jason
  8. Ax
  9. Sandi
  10. Lambing
  11. Zerobriant
  12. Cruxie
  13. Ikay
  14. Rcyan
  15. Mark
  16. TLGR aka Joyce

Syempre, nakadagdag din ang ilang comments ni CF Mon. Kundi dahil sa'nyo, natalo na ako nyahehehehe

Hayyyy.....(makapag-commercial nga muna)

O baka, gusto nyong maging dotkomista na, $8.50 meron ka ng 1-year domain name...gusto mo may kasama pang hosting? Dagdag ka lang ng $5 per month may matino ka ng host.

Gusto mong maging bilingual (English- Spanish, hinde ENglish-Pilipino) call center agent at the comfort of your own home? Email mo resume mo at voice clip sa hrad@talent-shout.com. Tumataginting na Php 12,000++ per month, hinde ka pa pagod.

Buy Me A Cup Of Coffee

Saturday, August 8, 2009

Kumikitang Kabuhayan: Tulong Para sa Kagandahan

O di ba na-curious ka sa title?

Simple lang naman ang post na'to...I NEED HELP! Waaaahhhh...yung bonggang bonggang help. Ano ba ang kailangan ko?

Kailangan ko ng buyer para sa aking trusty laptop. Yep, resignation time na sya. Bakit? Uhm...sabihin na lang natin na may mahalagang taong nangangailan ng pera pambili ng gamot (correcton, napakamahal na gamot! Tipong Php 450.00 bawat tabletas...e tipong 5 taon nya iinumin yun) sa mga sandaling ito at kelangan ko syang tulungan. Eto ang naisip kong tulong sa kanya.

Ano ang specs ng akong byoo-ti-pool laptop?

- Intel® Pentium® Dual-Core Processor T2130(1MB L2 Cache, 1.86GHz, 533MHz FSB)
- Genuine Windows Vista® Home Basic
- SiS M671MX + SiS 968- 802.11 b/g
- 1GB DDR2 Memory - 80GB SATA Hard Disk Drive
- NEO VisionCare 12.1" WXGA TFT LCD
- SiS Mirage 3 (M671MX integration)
- CD/DVD Burner (Supermulti 8x DVD+/-RW)
- NEO Motion Eye 300K Pixel, Built-in Mic & Speaker
- 10/100 Mbps LAN
- Integrated 56k Modem
- 3x USB 2.0
- 7-in-1 Card Reader
- 4-cell Lithium Ion Battery
- 1.8kg with Battery
- pre-installed with Avast Anti-virus, Nokia PC Suite, additional games rom Reflexive (ordinarily, may bayad 'to), Chikka Messnger, PDF converter, MP3 converter, YM, IM, etc. (kayo na bahala mag-uninstall)
- battery lasts for more than two hours except on heavy surfing

Included in the package: unit, charger, back-up installers, laptop bag

Selling Price: Php 18,000.00
Original Price: Php 40,000.00

Anong itsura?




Friday, August 7, 2009

Rhona-isms #3

Dahil wala akong masulat, magpapa-uso ako ng Rhona-isms, mga walang kwentang one-liner tungkol sa mga bagay-bagay na pwede mong kontrahin o sangayunan:
Four things that you cannot force on someone:
  1. Love
  2. Friendship
  3. Forgiveness
  4. Change

Buy Me A Cup Of Coffee

Thursday, August 6, 2009

Rhona-isms #2

Dahil wala akong masulat, magpapa-uso ako ng Rhona-isms, mga walang kwentang one-liner tungkol sa mga bagay-bagay na pwede mong kontrahin o sangayunan:

Bago mo gawin ang isang bagay, isipin mo muna:
After 10 years, would memory of this action make me cringe or would it make me smile/ laugh?


What do you think?


Buy Me A Cup Of Coffee

Wednesday, August 5, 2009

Ben Ten

Pasensya kung mamais ang post na ito. Nilalagnat kasi ako at puno na naman ng rashes ang katawan ko.

Hinde ito tungkol kay Ben Ten (hinde mo sya kilala? Magpakabit ng cable para makilala sya)

Ito ay tungkol sa 10 something-something ng buhay ko.

10 Things I Cannot Say "No" To
  1. Chance to buy a new gadget (mas naglalaway ako sa Palm Pre kesa sa Havaianas hehehehe)
  2. Chance to buy new book (kaya palagi akong inilalayo ng parents ka sa National BookStore kasi siguradong hinde ako lalabas ng walang nabibili)
  3. Angel cake ng 7-11
  4. CSI/ CSI Miami/ CSI New York
  5. Massage
  6. A day with my acorn (awwww.....)
  7. Gala sa sementeryo or any historical place na may multo
  8. Work
  9. Hipon, pusit, sardinas, crabs, talbos ng kamote, Lucky Me Pancit Canton at kanin
  10. Kape at Coke
10 Weird Wrong-Send Text Messages I've Received
  1. "Musta ka na? May mga binebenta akong gamot for premature ejaculation and erectile dysfunction. Baka gusto mo i-try."
  2. "Ne, sendan mo naman ako ng load dito sa bagong number ko. Si kuya mo 'to" (Josme, hinde man lang nag-research. Kung sino ka man, wala akong kuya)
  3. "Ctc? Asl? I'm 18,F,Mla" (Hinde pa ako nagbabago ng preference)
  4. "Pa'no kung sabihin ko sa'yong mahal kita?" (Kumusta naman?! Magpakilala ka kaya muna)
  5. P*tang ina mo, ibalik mo sa'kin asawa ko!" (Na-receive ko 'to 12 mn kung kelan himbing na himbing na ako ng tulog. Tatalakan ko sana pero mukhang na-realize nya na wrong send sya kasi nag-apologize naman afterwards)
  6. Nung nasa TP pa ako: "Ms. Rhon, ilan pa ang VL credits ko? Na-submit na po ba sa accounting yung leave ko for next week?" (Take note, nasa bahay na ako nito at tulog na ng mahimbing)
  7. "Gandang umaga, paki-save po itong bago kong number"...walang name na binigay. Kumusta naman, di ba?
  8. "Ei, meet tayo sa Mega ngayon. May proposal ako for you"...imperness, hinde ko sya kilala...at ayaw nyang mag-reply sa hu u
  9. "Sige, chief, tulog ka na"...text nung ex ko e hinde ko naman sya tinext
  10. "Nago-offer po ba kayo ng tutorial services?" - hinde ko pa rin alam kung bakit nya naisip yun
10 Movies I've Watched More Than 10 Times
  1. Harry Potter
  2. 13 Going On 30
  3. Swimfan
  4. Constantine
  5. Van Helsing
  6. Maid In Manhattan
  7. Underworld
  8. Shaolin Soccer
  9. Kung Fu Hustle
  10. Rush Hour 1-3
10 Expressions
  1. Nyemas! (P*ñeta pag galit na)
  2. Nameyn!
  3. Kalabaw!
  4. Ay, tongerks!
  5. Tangek!
  6. Baliw!
  7. Naks naman!
  8. Grrrr!
  9. Ows? Di nga?
  10. Ah, talaga?!
10 Rules I Live By
  1. Be loyal to your family and true friends dahil pag wala ka nang makapitan, sila ang sasalo sa'yo.
  2. God won't give me something that I cannot handle. If He put me in this situation, He will help me get through.
  3. This, too, shall pass.
  4. I'll follow my heart...except pag may masasaktan ako
  5. Love fully or not at all
  6. You cannot please everybody.
  7. There's a reason behind everything
  8. Hinde lahat ng nakikita mo ay totoo. Lahat ng bagay, tao, at lugar ay may kagandahan at kapangitan. Lahat din ay may tinatagong sikreto.
  9. Many wars and quarrels could have been prevented if people will just learn how to ask questions.
  10. Huwag makigulo sa problema ng ibang tao. Huwag i-chika ang sikreto ng iba.
10 People I'm Thankful For (na hinde ko relative)
  1. Mga boss na bow ako (Sir Chito, Sir Butchie and the rest of the Silvoza clan lalo na si Atty. Dante, Sir Mario, Atty. Joan)
  2. Doc Philip (BFF!) and the rest of the Plasti people na love ako hanggang ngayon.
  3. Dale
  4. Renan and the rest of the Techie boys
  5. Mga HMI babies (Anne, Eisey, Nina, Erth, etc.) and apos (mga OJTs) ko
  6. Reg and William, mga assistants ko sa TP
  7. Original HR dabarkads sa TP
  8. Doc Joel
  9. Si TinkerBee (uy, hulaan...)
  10. Si Mr. and Mrs. TinkerAnt
10 Quirks That I Have
  1. Pag masyadong mataas lagnat ko, either I go blind or I get rashes
  2. I have a "modified" form of Seasonal Affective Disorder. Dahil walang winter sa Pinas, nagse-set in ang depression ko pag palubog na ang araw. Ang gamot: maraming maraming puting ilaw. Hinde pwedeng dilaw kasi lalo lang akong nade-depress.
  3. Sobrang dry ng palad ko kaya palagi akong may static energy na nakakainis kasi nakukuryente ako pag humahawak ako sa kahit anong metal. The worst part, pwede kang makuryent sa'kin...at minsan maririnig mo talaga yung kuryente. Madalas kong biktima dito ay si Doc Philip.
  4. Mabilis akong magbasa. Yung Harry Potter 7 ay natapos kong basahin sa loob lamang ng 3 oras.
  5. Sobrang dami ng linya ko sa palad. Malalagutan ng hininga ang manghuhula dahil mahirap i-differentiate yung major lines sa minor lines dahil pare-pareho sila ng lalim.
  6. Meron akong smart hole (hinde related sa smart ass). Eto yung butas na makikita sa may bandang ending ng puno ng tenga, dun sa skin na nagdidikit sa ulo mo at sa tenga mo. Si Papa God ang may exclusive proprietary rights dyan at hinde yan pwedeng kopyahin ng ibang body piercing artists.
  7. Tuwing toe-reaching exercises, bagsak ako. Hinde ko abot ang pingerlings ko sa paa kapag naka-deretso ang mga tuhod ko.
  8. Nunalin at balbonic ako. Sangkatutak ang nunal na ipinagkaloob sa'kin ni Papa God. Balbon din ako. Hinde lang halata kasi sobrang nipis nung strand.
  9. Bago ko gamitin ang isang baso, pinupunasan ko muna yung loob gamit ang kamay ko. Automatic ko 'tong ginagawa. Mas obvious sya pag nasa bahay ako.
  10. Hinde ako pawisin. Panget na kalagayan 'to. Kasi, dahil hinde makalabas init, sumasakit yung ibabaw ng labi ko at lalong natutuyo ang kamay ko. Kinakailangan kong basain every 30 minutes yung ibabaw ng labi ko.
10 Moments That Changed My Life
  1. Nung mamatay ang Lolo ko
  2. Nung naaksidente ako
  3. Plasti moments (mahabang kwento)
  4. HMI moment (maiksing kwento hehehehe)
  5. Nung "inaway" ko si Gian.
  6. Nung mag-break kami ni Mahal #10
  7. Yung birthday ko last year (nakwento ko na kay Joycee 'to)
  8. Nung mapunta ako sa Priestley (nung 3rd year high school 'to)
  9. Nung 3rd year college
  10. Nung umalis ako sa Destiny
10 Comments/ Answers (hinde sa blog) That I Hate
  1. Kelan ka mag-aasawa? (and it's variation, "Bakit single ka pa?")
  2. Alam mo, mali ka. Dapat ganito gawin mo...(and it's variation, "Ikaw ang may kasalanan")
  3. E mahirap naman yang pinapagawa mo e
  4. Mahilig ka kasing maghabol e (Rant mode on: hinde dahil sa sinasabi ko ang nararamdaman ko e nangangahulugan na na umaasa akong ligawan ako. Far from it. Sinabi ko lang dahil gusto kong malaman mo at gusto ko rin malaman kung may chance ba. Ngunit subalit datapwa, hinde ka pwedeng manligaw dahil itutulak kita palayo....promise!)
  5. Mag-ayos ka kasi para makahanap ka ng boyfriend
  6. Kumain ka ng marami para tumaba ka (may mas dadami pa ba sa 3 cups ng rice tuwing lunch, meryenda at dinner?)
  7. HR ka? Naku, baka naman pwede ako sa office nyo?
  8. Ikaw bahala
  9. Hintay ka lang. Bata ka pa naman e (pasensya na pero control freak kasi ako)
  10. Titingnan ko

Yebah! Hinde ito tag, naubusan lang ng topic nyahaha


Buy Me A Cup Of Coffee

Monday, August 3, 2009

Kelan Ka Mag-Aasawa?

Choose your answer:
  • Pag nag-asawa na si Rachel Alejandro
  • Pag pinakasalan na ni Dolphy si Zsa Zsa
  • Pag na-wipe out na ang mga ipis
  • Pag hinde na ako payat
  • Pag Php 2.50 na ulit ang pamasahe sa jeep
  • Pag mahirap na si Bill Gates
  • Pag may Book 8 na ang Harry Potter
  • Pag hinde na uso FaceBook
  • Pag hinde na uso pagbo-blog
  • Pag hinde na ako emo
  • Pag tumigil na si Ellen Degeneres sa kakasayaw sa opening ng show nya
  • Pag naubusan na ng shades si Horatio Caine
  • Pag may matinong lalake na na mag-aaya
Ikaw, kelan?

Buy Me A Cup Of Coffee

Sunday, August 2, 2009

Rhona-isms Number 1

Dahil wala akong masulat, magpapa-uso ako ng Rhona-isms, mga walang kwentang one-liner tungkol sa mga bagay-bagay na pwede mong kontrahin o sangayunan:

Sometimes, you just need to see things in a different perspective. People are not "jobless", they are "job seekers". Hinde sya panget, nakalimutan lang mag-ayos.

What do you think?

Buy Me A Cup Of Coffee