Thursday, May 28, 2009

Otso-Otso Na!

Yes, I've succumbed to these darn tags/ lists. I don't mind much though as I like asnwering questions and coming up with lists of mundane things. I got this one from Winkie although she did not actually tag me. Mala-free-for-all ba! So here it goes:

8 Things I Look Forward To

  1. Sleep - kulang na kulang ako sa tulog. Mahirap pag sabayin ang freelance work at business lalo na kung ang business mo e kinabibilangan ng 1 empleyado lamang (kids, don't try this at home! nyhahahaha)
  2. Harry Potter!
  3. Sleep ulit New season of CSI Miami. Memorized ko na yung re-runs e
  4. Date with Joycee on Friday. Yehey! Mabibigay ko na yung book. (Commercial: May pa-kontes po si Joycee, daan kayo sa blog nya bago matapos. Nag-sponsor din sya ng prize para sa pakontes ko. Sa mga gustong sumali sa kontes ko, click here). At syempre, ang di matuloy-tuloy na date with Lovely and Winkie.
  5. Trip to Malaysia by November (Lord, sana po matapos na ang swine flu para matuloy kami)
  6. Matinong lablayp Lunch and Dinner date with my bestfriend
  7. GEB ng GTM (oha!) kaso gusto ni deejay next year pa huhuhuhu
  8. Release of Diablo III

8 Things I Did Yesterday

Dahil pinag-isipan ko nang matagal 'to at late ko na nai-post, ang pagbabasehan nating date, my dear readers (wow! dami!) ay May 26, 2009. Mahalaga ang date:

  1. Umiyak ng 2 oras dahil naalala ko lolo ko.
  2. Umiyak ulit ng 2 oras dahil...ah, basta!
  3. YM sumbong kay Winkie and Lovely
  4. blog hop and commentarization/ reply to commentarization
  5. Nag-edit ng mga articles ng mga magigiting kong writers.
  6. Nagdasal na sana wag matuloy ang...ah, basta! Problemang pang-TSBC (long story)
  7. Sumagot ng sangkaterbang katanungan ukol sa Hiring Smart (attend kayo, lalo na yung mga nasa HR. Bigyan ko kayo 10% discount)
  8. Nood ng CSI NY (hinde maaaring mawala sa Tuesday sched. Andun ang boypren ko)

8 Things I Wish I Can Do

  1. Give one of my best writers a raise
  2. Sleep and eat on time
  3. Make him fall in love with me *sigh* (pwede ba'to hanggang number 8 na?)
  4. Earn enough so that my father can retire comfortably
  5. Make him fall in love with me *sigh*
  6. Keep my mother healthy
  7. Make him fall in love with me *sigh*
  8. Give jobs to all my friends who need a job (ay, DOLE talaga ako)

8 Favorite TV Shows

  1. CSI Las Vegas
  2. CSI NY
  3. CSI Miami
  4. House
  5. Disney Channel Cartoons (Winkie, pareho tau!) especially Wizards of Waverly Place (I so love Alex), Kim Possible, Totally Spies, Phineas and Ferb
  6. Ben 10 (nyahahahahah)
  7. Numbers
  8. Bones
Okay, whoever wants to do their 8's, you're free to do so (paki ko ba! nyahahaha)

Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino

12 comments:

  1. aws...broken hearted kaw?hu huhu..cge lang..eat chocolate ateh...at do witchcraft...bumuo ng potion.ahahhaha....desperada...

    aehehhe...sana nga no?sna nga ang mga tao na gusto natin kaya nating sabihan na...

    Mahalin mo ako.


    emo.tangna.

    ReplyDelete
  2. hmp! at may ate talaga :(

    eto na, naghahanap na ako ng chocolates...sa biyernes magtitirik na ako ng itim na kandila sa Quiapo (malakas daw ang pwersa pag biyernes)

    ay sus! ayan ka na naman sa emo moments mo...punta ka dito manila, sabay natin kainin 'tong chocolates

    (isang kampay para sa mga sawi huhuhuhuhu)

    ReplyDelete
  3. he he he....wala pang budget na pangbayad sa tricycle ppangtawid mula cebu hanggang manila..

    ha ha ha....sarap ng chocolates..pero indi talaga ako mahilig dun...mas prefer ko redhorse nalang....weee!!

    indi naman talaga ako sawi...yun nga lang...nangangarap na makaramdam ulit ng pagmamahal..o shit...ang cheesy o!

    ReplyDelete
  4. Magandang morning! ganyan talaga pag-ibig parang love... kung di ukol di bubukol :)

    nanood din ako ng csi..bakit ka naman umiyak sa # 2 ng what i did yesterday?

    have a great day!

    ReplyDelete
  5. @maldito - ako hinde mahilig sa red horse nyahahhaha....ano yan?! cheesyng emo?! sandali, e di ba may jowaers ka na?!

    @sandi - alam mo matagal ko nang pinag-iisipan kung sino ang naka-isip nyang salawikain na yan e...well, hinde masamang mangarap

    secret na yung #2....katangahan ko yun e heheheh

    ReplyDelete
  6. Sweet, you're looking forward to our date. Ako din Ate, wee :)

    Mukhang andameng iyakan moments ang napagdaan mo ah, ako ayoko na, tuyot na luha ko dyan, and I've learned how to make myself happy na din.

    Kaya naten 'to Ate! Add mo ko sa YM: jacababan@yahoo.com

    lablabs!

    ReplyDelete
  7. sobrang isfeysyal mensyun naman ako dito. binilang ko, 4 times ang ispeysal apirans! hehehe! well, thanks for doing the tag, rhona!

    natawa ako dun sa #2 ng things u did... remind me, pag nagkita tayo, babatukan kita ah! hahahaha!

    ay pareho tayo ng gusto... i like selena gomez aka alex. she's way better than miley cyrus! hehehe!

    ReplyDelete
  8. @winkie - yan ang aking ganti sa pakikinig mo sa akin kahit na hinde pa talaga tayo nagkikita (ay biglang serious?!?)

    ako din...mas gusto ko xa...i actually like the way she talks plus the fact that she doesn't have any racy pictures or any kalaswaan news over the net (ay sori, gumagana pagka-manang ko)

    ReplyDelete
  9. if u don't mind, ano job mo rhona? i'm curious kasi you mentioned may writers ka. may-ari kba ng isang publishing company? hehe

    ano yung Hiring Smart?

    sino nag-paiyak sayo, tara resbakan natin! hehe

    ingat! *in John Llyod's tone* nyahahah!

    ReplyDelete
  10. secret! tinging ka paligid-ligid ng blog ko para sa kasagutan

    napaiyak? wak na...baka pag nalaman mo batukan mo pa ako...tama nang si winkie ang babatok sa'kin nyahehehehe

    ay! wag ka magko-comment about JLC (he-who-must-not-be-named! Ala voldemort ba!) at baka makita yan ni bespren Lio...lam mo naman yun, naghuhuramentado pag nababanggit name ni JLC kasi kras nya un e nyahahahahaha

    ReplyDelete
  11. haha buti na lang ako hindi sawi sa pag ibig kahit walang lovelife may mga boyfriends naman ako dalawa pa hehehe..

    ReplyDelete
  12. @ lovely - naku, ngayon ko lang napansin 'tong comment mo...hinde ko pala nareplyan. Hinde naman ako sawi e....mapasagot ko lang xa, hinde na ako sawi waaaaaaaa (huwat am i saying!)

    ReplyDelete