Saturday, May 9, 2009

Sa Kanya: Back To Emo Mode

(There must be something in the rain that makes most people post sad blogs)

Mahal ko, ito ay para sa'yo. Eto ang mga salitang alam kong kahit kailan ay hinde ko masasabi nang harapan sa'yo. Eto ang mga katagang alam kong hinde mo na maririnig, marinig man, ay hinde mo na binibigyang halaga.

Mahal pa rin kita, sa kabila nang hinde mo pagpansin, sa kabila nang ilang beses mong pagsisinungaling, sa kabila nang kawalan mo nang tiwala sa akin.

Lahat kaya kong gawin masiguro ko lamang na magiging masaya ka, kahit pa hinde na ako magiging bahagi nang kasayahan na'yon.

Isa lang naman ang hinihiling ko, tingnan mo ako sa mata at sabihin mo sa'kin na hinde mo na ako mahal. Yun lang at tatahimik na ako. Hinde na kita kukulitin, hinde na ako magpaparamdam.

In short:

Leche ka, hinde ka gwapo kaya wag kang magmaganda noh?! Feeling mo! Anong akala mo sa'kin, Department of Labor?! Che!


Digg!

Buy Me A Mocca Frappucino

No comments:

Post a Comment