
Nakakatawa how we think we're keeping to ourself pero sa totoo lang, our actions are give-away clues on who we truly are. We project ourselves as strong individuals pero sa totoo, we're so broken inside and that we just need people to like us, care for us, notice us despite our weaknesses and flaws. In the blogosphere (and even in Facebook), we use handles, we hide behind masks, we hide behind blotted-out pictures and yet what we say and how we form our thoughts actually give away who we really are.
So I am starting this experiment (sumagot kayo, datsh an order! nyahahaha) - tag style. So, I'm tagging Winkie, Mon, Lovely, Joyce, Deejay, Doc Mike, Lio, Maldito, at lahat ng naliligaw dito (safeguard konsensya: at nag-tag ka pa e lahat naman pala gusto mo sumagot!). Here's what you're gonna do. List down 10 things that only you know about yourself. Leave empty your list for things you don't know about yourself but other people do. Blog hoppers ought to fill that list (Intiendes?):
10 Things Only I Know About Me (Na Alam Nyo Na Rin Ngayon)
- Pag masama ang loob ko or depressed ako or galit ako, mahilig ako maglakad
- Matagal bago ako magalit pero masama akong magalit
- Sumasakit ulo ko at umaandar ulcer ko pag nakakaramdam ako ng matinding emosyon
I have adamantium bonesButo ko ang laging nakakawawa. I have a broken clavicle, 3 fractures on my pelvic bone, scoliosis, osteoporosis and spinal stenosis. I have a weak heart. Ang mga pang-aabuso sa'king buto (fractures) ay dala nang katangahan ng driver ng jeep na sinasakyan ko...akala ata nya mas malaki sya sa bus kaya ayun...binunggo nya- Accident prone ako. Nasapak na ako, nabangga ang sinasakyan namin (thank you San Juan De Dios), muntik na akong masagasaan ng 2 Tas Trans na naguunahan, nahulog sa jeep, nakaladkad ng jeep (pesteng high heels!), at nahulog mula sa swivel chair.
- Madalas akong witness sa holdapan at pandurukot. Minsan na akong sinabihan ng madurukot ng "Pag sumigaw ka, papatayin kita!". Pero hinde nila ako tinangkang dukutan kasi alam nilang pinabili lang ako ng nanay ko ng suka (sa ortigas nga lang).
- Minsan na rin akong nakipag-agawan ng bag at beeper sa snatcher. (Tapang no, kapayat naman!)
- Eto hindi obvious talaga kahit sa mga magulang ko ---> favorite subject ko ang algebra at trigonometry
- Inilalaban ko ng patayan ang mga fwends ko lalo na ang taong mahal ko
- Makapal ang mukha ko sa mga biglaang kanta sa stage hehehehe
Things Only You Know About Me
O sya, sa comment portion, alipustahin nyo na ako ng todo-todo...now na, bilis! 1...2...3...gow!