Everytime magkikita-kita kami nang mga long-lost relatives ko or friends, isa lang palagi ang kanilang tanong - "May asawa ka na? Kelan ka ikakasal?" Okay payn! Dalawa yung tanong.
Yan ang hinde mamatay-matay na tanong sa'kin ng mga kamag-anak namin. May slight variation pag dating sa mga magulang ko. Deretso aga sila sa "Anak, kelan ka mag-aasawa?". Oftentimes, gusto ko silang sagutin nang, "Pag hinde na kayo nagtatanong" kaso syempre mabuti akong anak so shut up na lang ako with matching Karylle smile. Pano mo nga ba sasagutin ang ganyang katanungan?
Multiple Choice:
- Mabait na anak - "Gusto ko kasi kayong alagaan hanggang pag tanda nyo"
- Mas mabait na anak - "Inilalaan ko sa Panginoon ang aking buhay" <--- hinde bagay sa'kin at baka kumulog, kumidlat at magunaw ang mundo
- Mataas ang standard - "Hinde ko pa nakikita yung lalakeng magpapatibok ng puso ko"
- Mas mataas ang standard - "Hinde pa kasi nanliligaw si John Lloyd e" <---Lio, saka-skaling mapadaan ka dito, blog ko 'to, bawal laiitin si John Lloyd!
- Angst-ridden na anak - "E pare-pareho lang naman yang mga lalake. Lahat manloloko. Bakit naman ako papasok sa isang sakit ng ulo?"
- Mas angst-ridden na anak - "Ah, pakshet!"
Sabi nang isa kong kaibigan, pwede ko rin daw isagot (hinde sa mga magulang ko ha!) - "Pag tinawag na kayo ni Lord!" Morbid but I lurve it...kulit naman kasi nung iba e. E sa wala akong time para sa ganyang mga bagay e. Besides, tama yung #5, sakit sa ulo lang yan. Mamahalin tapos eto namang si lalake e makakakita nang mas malaking boobs, patay na! Men are visual creatures. They easily get turned on by what they see. Unfortunately, I don't have the physical assets to "tease" them. Sure akong hinde ako panget kaso, ang pattern ng buhay ko, I usually lose the guy to some bimbo who throws expletives na para bang humihinga lang, to bimbos who do not have anything between their ears. Well, sa isang banda, at least alam kong hinde pahusband-material yung guy. On the other hand, ano beh?! E 90% ng lalake get turned on by big boobs. The remaining 10% get turned on by 6-pack abs (ay, bading!). Minsan nahahawa na ako sa parents ko e. Napapaisip din ako, "syet! malapit na ako mawala sa kalendaryo!"
The truth is, at this point in my life, I am no longer looking at casual relationships. Yun nga lang, at this point in my life, I'm too damn busy to ever go out and meet people. Nyemers!
So what do I do?
Buy Me A Mocca Frappucino
i can so relate to this entry. gusto ko ung reply #6... hahaha!
ReplyDeletegantihan mo yung mga matatanda mong kamag-anak na nagtatanong sa yo ng "kelan ka mag-aasawa?". pag minsan may ililibing, itanong mo sa knila, "kayo, kelan kayo susunod?" ---> mas morbid! hahaha!
nyahahaha....baka isumpa ako nung mga yun pag yan ang ni-reply ko....pero sige try ko minsan hehehehe
ReplyDelete