- Psychologist ka? Sige nga, hulaan mo iniisip ko.
- Psychologist ka? E bakit malungkot ka?/ E bakit wala kang lablayp?/ E bakit ang gulo mong kausap?
- Psychologist ka? O sige pagbatiin mo sila
- Psychologist ka? Palagay mo bading na si (fill in the blanks)?
- Psychologist ka? Palagay mo, manyak ba si Hayden Kho? (keyword for the week Hayden Kho at Katrina Halili. Dapat merong ganito palagi ang site nyo para madaanan ng bots at nang tumaas ang pagerank)
Owkey! Pers and pormos, tao kami. At tulad ng ibang tao, hinde kami biniyayan ni Papa God ng special powers except kagandahan (pansinin, halos lahat ng Psychology grads ay may itsura kaya kung maghahanap ng jowa, andito ako siguraduhing Psychology graduate). Dahil wala kaming special powers, kahit anong saksak nyo ng palad nyo sa aming pagmumukha ay walang mangyayari. Hinde rin namin kayang ipaalam sa'nyo ang kapalaran nyo sa pamamagitan nang bilang ng bukol sa ulo. Ngunit, subalit, datapwa, kung magpapa-CT scan kayo, maaari naming masabi kung ang iyo bang pagka-baliw ay organic or hinde (dahil ba nahampas ka sa ulo o dahil baliw ka talaga...jowk ung last part! Wag seryosohin).
Ang kursong sikolohiya ay itinuturing na bahagi ng allied sciences ng Medicine. Meaning, pwede mo itong kunin bilang pre-med lalo na kung BS ka (bachelor of science, ano naman yang iniisip mo?!). This goes without saying that, as part of the medical community, utang na loob, hinde namin pwedeng gamutin o i-counsel o i-therapy ang sarili namin much like how a doctor cannot treat him or herself. Hinde rin namin maaaring "gamutin" ang aming mga kaibigan at kamag-anak. At bakit naman? Kasi po, significant others can affect our judgement. In tagalized version, magkakaroon po kami ng biases pag ang inaasist namin ay kamag-anak, kaibigan, at ka-lab team. At tulad nang sabi ko kanina, tao rin po kami. Kung anong pinagdadaanan nyo, pinagdadaanan din namin. Hinde kami perfect (close to perfect lang ahehehe) at hinde sa lahat ng pagkakataon ay okay kami. Dumaraan din kami sa pagsubok at kailangan din namin ng ibang taong dadamay sa'min (Commercial break: salamatations to Winkie and Lovely...mga anghel ng blogosphere).
Nameyn! Hinde po kami arbiter. Hinde po kami pwedeng basta makialam sa mga bagay-bagay at sitwasyon ng walang pahintulot. We do not give unsolicited help. We are, however, good listeners to those people who need someone to listen to them. pang-catharsis ba. Minsan yun lang naman ang kelangan natin para gumaan ang pakiramdam natin.
Last but not the least (commercial uli: ayon sa statistics, mga Filipino daw ang pinakamadalas gumamit ng expression na yan), hinde po kami basta-basta nag-aanalyze ng tao. May mga ginagamit po kaming tools of trade - psychological tests, interview, etc. Ang pag-iisip ng isang tao ang isa sa mga pinakamahirap i-predict (except yung mga basic instincts nya). Maaring ngayon e pula ang gusto nya, sa susunod e green naman. Pwedeng ngayon masaya sya sa pagiging mahirap, sa susunod ay kamumuhian na nya ito. Ito ay sa kadahilanang sumusunod ang pag-iisip ng tao sa mga internal and external forces na nararanasan nya.
So, para saan nagyon itong post na'to? Wala lang, nagre-review lang. Kelangan ko nang tapusin thesis ko e hehehehe. Ayaw nyo paniwalaan sinasabi ko sa taas? Tanungin nyo si Joycee na isa sa mga sponsors ko ng pa-premyo para sa aking kontes.(Oha! Okay ba sa segue?). Sya din po ay may sariling pa-kontes so if hobby nyo ang pangangarir ng kontes, daan lang kayo sa kanyang munting blog.

Buy Me A Mocca Frappucino