Dahil ako ay isang mabait na blogger, kailangan kong gumawa ng obligatory year-end post at New Year's Resolution. Ano na nga ba ang nangyari sa mga nakaraan kong NYR (ang utak, nagwalk-out! New Year's Resolution yan!)? Well, ayun nilipad nung hangin yung iba. Pero at least , na-achieve ko naman yung iba tulad nang babawas-bawasan na ang pagiging emo....ay huweyt! Ders more! Hinde ko pala nagawa 'to. Uhm...alam ko meron akong nagawa e...teka lang....huweyt lang...nasa dulo na ng dila ko....saglit lang...
*After 25 years*
Toinx! Wala, walang silbi! Hinde ko nga maalala kung ano yung nasa NYR ko e. Howel! Gagawa na lang ako ng bago:
1. Hinde na ako masyadong magiging iyakin. (Ilang beses ko na ba sinabi 'to?)
2. Hinde na ako masyadong magwo-worry kasi baka magka-wrinkles na ako.
3. Promise, gagala naman ako minsan para may sowsyal layp naman ako.
4. Ita-try ko nang matulog ng maaga, mga 3:00 am dapat tulog na ako.
Uhm, wala na akong maisip. Ilalagay ko sana, hinde na ako magiging laitera kaso baka mamatay naman ako ahek!
Balik-tanaw sa End of the World Daw: Ano ang 2012 Ko
1. As usual, broken hearted matapos ang tatlong araw na pag-ibig (o yeah!)
2. Handaming pasaway!
3. Handaming sakit :( mula ulo hanggang paa (awts!)
4. Lamang lang ata ng 2 buhos kay 2010, nyemers!
5. Super kulang sa tulog
6. Super kulang sa anda
Ikaw, musta ang 2012 mo at ano plano mo sa 2013?
Friday, December 28, 2012
Sunday, October 14, 2012
Blogger Love Principle
Iba ang epekto nang pagba-backread. May mga events na bigla mo na lang naaalala tapos natatawa ka. may mga terminologies na inimbento mo na bigla mong naisip, "Aba, pwede ko itong ilapit ito sa American Psychological Association at gawing thesis!" Isang halimbawa ay ang Blogger Love Principle.
Ano nga ba ang Blogger Love Principle? Ito ay ang excuse ko dahil nahumaling ako sa isang blogger dati. Kung sino man sya, belat! Hula hula ka na lang. Ang ibig sabihin nito, pwede kang ma-in love sa isang taong hinde mo pa nakikita base lamang sa nababasa mong blog nya. So bakit ko nabanggit ito? Wala lang. Wala lang kasing laman itong blog ko.
Ikaw, na-in love ka na ba sa isang taong hinde mo pa nakikita?

Wednesday, September 12, 2012
Levi's Jeans for Every Man
When I think of jeans, the first brand that usually comes to
mind is Levi's. It's the most popular denim brand in the whole world and has
been around for a century. Most people probably own at least one Levi's jeans.
You'll likely see a Levi's store in every city in more than 110 countries.
People patronize the brand because it is synonymous with style, comfort, and
durability. In other words, it's a trusted brand and you are getting your
money's worth whenever you buy a pair.
Levi's sell a wide variety of items for men such as jeans,
pants, shorts, shirts, knits and tees, sweatshirts, jackets, and accessories.
Among those items, jeans remain the most popular. There are different
categories of men's jeans such as Skinny, Slim, Straight, Taper, Boot Cut, and
Relaxed. Levi's has always had an aggressive marketing campaign that is why
whenever there's a new style coming out, it is sure to become popular. The
popular styles are 501 Original, 501 Shrink to Fit, 505 Straight, 511 Skinny,
and a lot more.
Every style comes in different colors and sizes for every
man. There's definitely a style for everyone. There are button fly closures as
well as zipper closures. Furthermore, men have attested to the perfect fit and
feel of their jeans. They're totally comfortable to wear. Every style is also
known for being fashionable. The fact that it's affordable is also a plus
factor. All these qualities and then some more truly make a pair of men's
Levi's jeans worth having.
Monday, August 20, 2012
From A Friend During Lonely Days
Hinde ako mahilig magtapon ng letters sa'kin. Kahit yung mga sulat sa'kin nung classmates ko nung elementary, nakatabi pa. Sa mga 1,000 letters na naibigay sa'kin, siguro, 10 lang ang naitapon ko. Bakit kamo? Baka kasi mainggit kayo sa sobrang sweetness mwehehehehehe. Pero pag sa mga panahong nade-depress ako, isa sa mga paborito kong gawin e basahin yung mga sulat na yun. Sarap kasi sa pakiramdam yung alam mong may nakaka-appreciate sa ginagawa mo. Eto isa galing kay Eunice, classmate (at cheatmate seatmate) ko nung college.
Rhonadale and I have been friends since college, so that’s like how many moons ago. I can’t even remember how we became friends ‘cos we don’t belong to one barkada. When I first met her, I thought that she’s the stereotypical scholar ng bayan – the go-to girl for everything like notes, assignment, etc. But when I came to know her, I realized that there’s more to her than that. She has a lot to share aside from her geeky-ness. Peace! She’s very talented – she likes singing, dancing, and acting. Total performer ito! She’s even a best actress nominee in one of our college plays. She sure has a lot of creative ideas even back in the days. No wonder, ang dami nyang kumikitang kabuhayan ngayon. But more than that, she has a lot of love to give. She is very passionate and this shows in everything she does.
Buy Me A Cup Of Coffee
Sunday, August 19, 2012
Sec. Jesse Robredo, Nasan Ka?
Hinde ako taga-Bicol. Hinde ko rin naman sya kamag-anak. Pero sa mga sandaling ito, sobrang nag-aalala ako para kay Sec. Jesse Robredo. Oo, ako na ang matinding mag-worry. Sa totoo lang, hinde ko sya kilala masyado. Ang alam ko lang sa DILG sya. DTI pa nga ang sabi ko kanina e. Pero isa sya sa mga hinahangaan ko. Kumbaga, sa dinami-dami ng in-appoint ni P-Noy, si Sec. Robredo ang pinakamatinong desisyon nya. Hinde kasi ako mahilig sa mga politician na panay sisi sa predecessor nila. Hinde rin ako mahilig sa mga cabinet members na palaging naka-sentro ang mukha sa TV at hinde alam ang meaning ng delicadeza. Sige nga, kelan mo huling nakita na kakalat-kalat ang mukha ni Sec. Robredo sa TV?
Kaya sa mga sandaling ito, sobrang ipinagdarasal ko talaga na sana ligtas sya. Na sana may nakakita sa kanya at dun sa mga piloto. Na sana, konting galos, konting sugat lang. Basta ang mahalaga buhay sya.
Sobrang bothered talaga ako, tsk!

Wednesday, August 15, 2012
A Little Thing Called Love
*Emo post ahead*
Alam mo yung mga moments na sobrang daming gumugulo sa isip mo tapos feeling mo super underappreciated ka? Pwes, nandun ako sa estado na yun ngayon. Mga ganitong estado palagi ang dahilan kung bakit ako nakakapag-blog.
Hinde ko malaman if nalulungkot ako o naiinis o sadyang pagod lang. Basta ang alam ko, hinde ako makahinga. Ang alam ko, hinde ako masaya. Ang alam ko pagod na akong umasa. Sa mga sandaling ito, kung merong nangangailangan ng crash test dummy, magpiprisinta ako ng bonggang bongga. Bakit? Kasi hinde ko na kaya. Napapagod na ako. Nakakapagod pala ang hinde ka bigyang pahalaga ng taong mahal mo. Yung tipo bang naalala ka lang pag may kelangan sa'yo. Nakakainis na nakakapagod. Pwede mo naman ituloy pero kung hinde naman napapansin, kung palaging sasabihan ka ng "kulang pa", nakakainis na.
Sa mga ganitong panahon ko naiisip na sana pwede ang time travel, now na. Gusto kong sabihin kay Papa God na baka pwedeng rewind mga hanggang 2003. Aayusin ko lang kalokohan ka para pag dating ng 2012, masaya na ako at may sariling pamilya. Siguro kung alam ko na noon pa man na ganito mangyayari sa'kin ngayon, sana noon pa lang, nagtino na ako. Sana pinahalagahan ko na yung isang tao dyan sa tabi-tabi na talaga naman minahal ako ng todo.
Kaso hinde. Hinde ako pwede humingi ng rewind at wala pa rin naman nakakagawa ng time travel. Kaya eto, gusto kong batukan ang sarili. Gusto kong maglubog sa dagat nang yelo dahil sa katangahan ko.
Kaya ikaw, kung may nagmamahal sa'yo ng sobra sobra, wag mong tutksuhin ang tadhana at itutulak yang taong yan na palayo kasi baka mapuno yan at talikuran ka na. Tapos, baka pag malayo na sya at may iba ka nang mahal, ma-realize mo na bato lang ang hawak mo ngayon. Bato na sana ay diamante kaso kaartehan mo, ayan.
Tsk! Anak talaga nang kalungkutan.

Monday, August 13, 2012
Thursday, June 28, 2012
The Bucket List
Dahil malapit na mag-walkout na sa kalendaryo ang edad ko, napagisip-isip ko, pano nga kung end of the world na sa 2012 <*insert Jay Sean song (2012, in case hinde mo alam)*> ? Napagawa tuloy ako ng bucket list.
Bago ka mamilosopo, ang bucket list is a list of things that you want to do before you die. Nauso nung ma-tegi si Mandy Moore sa A Walk to Remember at nang dahil sa pelikulang "The Bucket List". And so, without further ado, here's mine:

- Magkaron nang sariling bahay
- Magkaron nang sariling sasakyan
- Magkaron nang mas malaking office for Talent Shout
- Magkaron nang mas malaking income for Talent Shout (oo, mahal ko trabaho ko)
- Makapunta sa Louvre Museum.
- Makapunta sa London at mag-stay dun nang mga 1 week (mahabang story)
- Makapuntang New York or California (bakasyon lang)
- Makapuntang Corregidor
(oo, ako na ang talipandas na Pinoy. Hinde ko pa sya talaga napupuntahan) - Makabalik ng Oman one last time.
- Makapagsulat ng isang best-seller (whew!)
- Maka-date si Jay Sean (hinde ako ultimate fan hehehehehe)
- Mapalitan ang mga PC sa opisina bago pa ako patayin nung mga writers ko hihihihi
- Makapunta ng Vatican
Ia-update ko ito from time to time, promise!
Saturday, April 28, 2012
Important Things That You Should Know
Matanong ko lang, ikaw ba e, pag naiwan sa gitna ng disyerto, alam mo ang gagawin mo? Hinde? Pwes, makinig ka sa'kin. Dapat alam mo 'to:
1. Dapat alam mo ang code for SOS. Bakit? Saka-sakaling kelangan mo ng tulong at wala kang kakayahang sumigaw, maaari mo itong gamitin para ipaalam na may problema. Dot-dot-dot dash-dash-dash dot-dot-dot. Babala: hinde pwedeng gamitin sa problemang lablayp. Lucita Soriano ang dating mo x100
2. Number mo sa bahay o number ng mga tao na pwede mong hingan ng tulong kapag ikaw ay nasa panganib. I-memorize mo para sakaling mawala celfone mo, d ka matataranta. Babala: hinde considered na emergency ang pagsagot sa exam. Wag mo nang gawing digital ang pangongopya mo.
3. Kung pupunta ng ibang bansa, siguraduhing alam mo ang mga basic expressions. Malaking tulong ito para hinde ka nila maisahan. Babala: wag mo nang pagaralan pano magmura. Mapahamak ka pa lalo nyan e
4. Kung nasaan ang north star at saan tumutubo ang lumot. Malaking bagay ito lalo na pag naligaw ka sa gitna ng gubat. Babala: pag gumagalaw yung star, wag kagad sumigaw ng "UFO". Eroplano yan, engert!
Ikaw, may maidadagdag ka ba?

Friday, March 23, 2012
Dear Me
Napagtripan ko lang 'to dahil madami akong nababasa sa Facebook na posts tungkol kay SimSimi at sa Magnum na parang letter FROM God ang format. Napaisip tuloy ako, pano kaya pag ako ang sinulatan ni God?
Seryoso Mode si God:
Dear Rhona,
Isa ka sa mga special kong nilalang. Hinde ka maiintindihan nang lahat ng tao para matutunan mong ma-appreciate yung taong maiintindihan ka. Hinde ka mamahalin ng lahat ng minamahal mo para matutunan mong ma-appreciate yung ibibigay Ko sa'yo para mahalin ka. Bibigyan kita ng sapat na lakas para kayanin lahat ng pagsubok pero gagawin din kitang iyakin para mailabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Gagawin kitang isip bata para ipakita mo sa iba na masaya ang buhay lalo na kung lahat ay simple lang.
Love,
Papa God
Joke Time:
Dear Rhona,
Uhm, pwede bang tigilan mo na ang kakasabi ng "Smite me o Mighty Smiter"? Corny na e. Sa Bruce Almighty lang gumana yun. Sige ka, i-smite na kita. Atsaka, pwede ba, tigilan mo na ang kakahiling na magkatuluyan kayo ni Jay Sean. Hinde ka nga nya kilala e! Echoserang Frog! Try mo din muna tumaya sa lotto bago ka humiling na manalo ka. At, utang na loob, wag mong hilingin na madapa yung latest na nagpaiyak sa'yo. Bad yun!
Nagkakaintindihan ba tayo?
Love,
Papa God
PS:
Hinde liliit yang puson mo kung wala ka nang ginawa kundi lumamon at matulog halfway sa exercise routine mo.

Thursday, February 23, 2012
English Pet Peeves
Oo, mapanglait ako pag dating sa English. Aymsosaree, writer kasi ako at sadyang allergic ako sa wrong choice of words at grammar lapses. Hinde naman ako grammar police/ nazi. Hinde naman ako naninita pero utang na loob, laging tatandaan ang mg sumusunod na bagay bagay:
- Ang "poise" at "pose" ay hinde magkapareho.
1. A state of balance or equilibrium; stability.
2. Freedom from affectation or embarrassment; composure.
3. The bearing or deportment of the head or body; mien.
4. A state or condition of hovering or being suspended.
Pose - n.
1. A bodily attitude or position, especially one assumed for an artist or a photographer. See Synonyms at posture.
2. A studied attitude assumed for effect.
Isipin mo na lang. Poise ay short for composure at pose ay short for posture.
Saan ko nakuha lahat ng ito? Sa FB ng mga kalukadidang nung ex ko. Bitter much!

- Magkaintindihan tayo. Ballad, hinde balad. Leader, hinde Lider. Thank God! Hinde, thanks God! unless na lang kausap mo si Papa God. Yung una ay expression, yung huli ay shortened version ng "Thank you, God" at ginagamit lamang kung si Papa God mismo ang kausap mo. Kung may iba kang kausap at ang nais mong sabihin ay "I thank God", then "Thank God" ang gamitin mo.
- Hinde nakakatuwa ang jejemon na 45 na ang edad. Utang na loob!
- Happy 5th anniversary at HINDE Happy 5th year anniversary. Redundant.
Nagkakaintindihan ba tayo?
Saan ko nakuha lahat ng ito? Sa FB ng mga kalukadidang nung ex ko. Bitter much!
Sunday, February 19, 2012
More Than A Hundred Posts Later
Dahil nagbabalik ang aking blogging mojo, napagisip-isipan kong mag-backread sa sarili kong blog. Kalerkey! Natawa ako sa mga posts ko (syempre, love thy own!). Pwede na pala ako sa comedy bar! Ano nga ba ang nagbago after more than a hundred posts?
- Mahilig pa rin ako sa mga listahan. Obvious ba? Mas madaling mag-enumerate kesa dere-deretsong kwento e.
- June 2009, problema ko lablayp. June 2010, problema ko lablayp. June 2011, problema ko lablayp. Nawa'y magbago ang takbo ng hangin sa darating na June 2012 para naman if end of the world na nga sa December 2012, naranasan ko naman ang matino-tinong lablayp.
- Never-on-a-Sunday ang paborito kong tugtog noong 2009. 2010 naman, paborito ko ang Tonight ng FM Static. 2011 si Adam Levine ang pinagti-tripan ko. Pwes, Jay Sean, 2012 is indeed your year!
Marry me!!!! - 2009, mahal ko pa si Acorn. 2010, mahal ko pa si Acorn. 2011, mahal ko pa si Acorn. 2012, ay sa wakas! Naka-move on na rin. Iba na ang mahal kaso wagas pa rin ang pagiging sawi!
- Wala akong matinong tulog nung 2009. Wala akong matinong tulog nung 2010. Wala akong matinong tulog nung 2011. 2012: Tulog? Nakakain ba yun?
- Wala akong sariling kwarto nung 2009 hanggang kalahati ng 2011. Ngayon, yehey! May sarili na akong kwarto. Pwede na akong mag-asawa! (Na imposible pala kasi nga sawi ang lablayp).
- Tumaba na ako! Woot! .....kahit paano....
- Hinde pa rin ako nakakabili ng kapalit ni Kerry :(
Hay, how time flies! Ikaw, ano ba ang pinagbago mo?
Friday, February 17, 2012
Heybi Drama
Hay naku! Pati Blogger.com iba na rin itsura ng interface.
Hekshuli, super buryong ako ngayong araw na ito. Kulang ako sa tulog plus ang sakit ng ulo ko plus gutom ako kasi late na ako nakapag-lunch. Ang pang-asar a, sinaluhan na naman ako ng ipis sa lunch. Blech! Tapos alam mo kung ano pa yung mas nakakainis? Ang masabihan kang maarte ka lalo na't sure kang hinde ka maarte. Bakit ko nga ba nasabing hinde ako maarte?

- Pwede mo akong yayain kumain sa kanto. Seryoso. Kumakain ako ng goto sa tabi-tabi (wag na lang kayo maingay sa nanay ko at lagot na naman ako). Mahilig ako sa pares at sa fishball. Suki din ako nung mga kanto kanto lang na calamares (at lalo tuloy akong nagutom ngayon).
- Hinde ako maarte pag dating sa lakaran. Hinde ako naghahanap ng taxi kung pwede naman ako mag-jeep. Hinde rin ako naghahanap ng jeep kung pwede naman ako maglakad. Nakikipagsiksikan ako sa LRT/ MRT at marunong akong tumayo sa bus.
- Hinde ako mahilig sa latest or de-tatak na damit. Basta matino itsura at kumportable ako, go!
- Lutong bahay ba kamo? Go ako dyan! Hinde ko kelangan ng mamahaling kainan para mabusog. Basta masarap na luto, oks na ako.
- Romantic date ba 'ka mo? Pili ka - sementeryo o breakwaters. Hinde na kelangan pang manood ng sine. Usap lang tayo, pwede na.
'Yan ba ang maarte?! Utang na loob! Kainis!
(Orson background: P*ta kalma lang!) Sino si Orson? Staff ko, bakit?
Saturday, February 11, 2012
Brokenhearted Me
At syempre, matapos kong mawala nang mataga na panahon, ang panumbalik kogn post e pang-sawi agad.
Dear Charo Itago natin sya sa pangalang "The One". Bakit "The One"? Walang kelamanan Dahil isa na syang the one that got away. Nagsimula ang lahat two years ago. Oo, two years ago, si Acorn ang iniiyakan ko (hinde mo sya kilala? Backread ka). Habang iniiyakan ko si Acorn, si The One ay matyagang nagaantay sa kanto ng The Columns para ihatid ako pauwi (take note, 2:00 am ito). Hinde naman sa wala akong gusto sa kanya pero ayaw ko naman kasi pumasok sa isang relationship na meron pa akong bagaheng bitbit. So syempre, tinapos ko muna itong isa bago ko binigyan ng chance si The One. Fast forward to today. Si Acorn ay isa na lamang kaibigan at si The One ay hinde na ako pinapansin.
Oo na, ako na ang dakilang sawi sa pag-ibig. Kung hinde pinagpalit sa ibang babae, pinagpalit sa ibang lalake/career/paniniwala/. Wagas ang pagiging sawi! So ano bang nangyari sa latest na nilalablayp?
Isang naghuhumindig na, "What Happened?!" (Oo, tanong ko rin yan sa sarili ko).
After two years, napatunayan ko na hinde na nga ako mahal ni Acorn. Oo, ako na ang tanga. Two years para maka-move on (pero may kilala ako, 8 years and counting hehehehe). Ang problema, kung kelan ready na ako na bigyan ng chance si The One, tsaka naman sya ang ayaw.
Saklap with a capital P!
So what to do? Eto, binubusog ko ngayon ang tenga ko ng kanta ni Jay Sean (kasi hawig nya) tapos inuuntog ko ulo ko sa pader. Anaknamanngpitumpungpitongputingpating! Hinde na naman ako maka-move on!
...at hinde rin ako marunong mag-edit ng picture...deym!
Subscribe to:
Posts (Atom)