*Emo post ahead*
Alam mo yung mga moments na sobrang daming gumugulo sa isip mo tapos feeling mo super underappreciated ka? Pwes, nandun ako sa estado na yun ngayon. Mga ganitong estado palagi ang dahilan kung bakit ako nakakapag-blog.
Hinde ko malaman if nalulungkot ako o naiinis o sadyang pagod lang. Basta ang alam ko, hinde ako makahinga. Ang alam ko, hinde ako masaya. Ang alam ko pagod na akong umasa. Sa mga sandaling ito, kung merong nangangailangan ng crash test dummy, magpiprisinta ako ng bonggang bongga. Bakit? Kasi hinde ko na kaya. Napapagod na ako. Nakakapagod pala ang hinde ka bigyang pahalaga ng taong mahal mo. Yung tipo bang naalala ka lang pag may kelangan sa'yo. Nakakainis na nakakapagod. Pwede mo naman ituloy pero kung hinde naman napapansin, kung palaging sasabihan ka ng "kulang pa", nakakainis na.
Sa mga ganitong panahon ko naiisip na sana pwede ang time travel, now na. Gusto kong sabihin kay Papa God na baka pwedeng rewind mga hanggang 2003. Aayusin ko lang kalokohan ka para pag dating ng 2012, masaya na ako at may sariling pamilya. Siguro kung alam ko na noon pa man na ganito mangyayari sa'kin ngayon, sana noon pa lang, nagtino na ako. Sana pinahalagahan ko na yung isang tao dyan sa tabi-tabi na talaga naman minahal ako ng todo.
Kaso hinde. Hinde ako pwede humingi ng rewind at wala pa rin naman nakakagawa ng time travel. Kaya eto, gusto kong batukan ang sarili. Gusto kong maglubog sa dagat nang yelo dahil sa katangahan ko.
Kaya ikaw, kung may nagmamahal sa'yo ng sobra sobra, wag mong tutksuhin ang tadhana at itutulak yang taong yan na palayo kasi baka mapuno yan at talikuran ka na. Tapos, baka pag malayo na sya at may iba ka nang mahal, ma-realize mo na bato lang ang hawak mo ngayon. Bato na sana ay diamante kaso kaartehan mo, ayan.
Tsk! Anak talaga nang kalungkutan.