Matanong ko lang, ikaw ba e, pag naiwan sa gitna ng disyerto, alam mo ang gagawin mo? Hinde? Pwes, makinig ka sa'kin. Dapat alam mo 'to:
1. Dapat alam mo ang code for SOS. Bakit? Saka-sakaling kelangan mo ng tulong at wala kang kakayahang sumigaw, maaari mo itong gamitin para ipaalam na may problema. Dot-dot-dot dash-dash-dash dot-dot-dot. Babala: hinde pwedeng gamitin sa problemang lablayp. Lucita Soriano ang dating mo x100
2. Number mo sa bahay o number ng mga tao na pwede mong hingan ng tulong kapag ikaw ay nasa panganib. I-memorize mo para sakaling mawala celfone mo, d ka matataranta. Babala: hinde considered na emergency ang pagsagot sa exam. Wag mo nang gawing digital ang pangongopya mo.
3. Kung pupunta ng ibang bansa, siguraduhing alam mo ang mga basic expressions. Malaking tulong ito para hinde ka nila maisahan. Babala: wag mo nang pagaralan pano magmura. Mapahamak ka pa lalo nyan e
4. Kung nasaan ang north star at saan tumutubo ang lumot. Malaking bagay ito lalo na pag naligaw ka sa gitna ng gubat. Babala: pag gumagalaw yung star, wag kagad sumigaw ng "UFO". Eroplano yan, engert!
Ikaw, may maidadagdag ka ba?