Friday, March 23, 2012

Dear Me

Napagtripan ko lang 'to dahil madami akong nababasa sa Facebook na posts tungkol kay SimSimi at sa Magnum na parang letter FROM God ang format. Napaisip tuloy ako, pano kaya pag ako ang sinulatan ni God?

Seryoso Mode si God:


Dear Rhona,

Isa ka sa mga special kong nilalang. Hinde ka maiintindihan nang lahat ng tao para matutunan mong ma-appreciate yung taong maiintindihan ka. Hinde ka mamahalin ng lahat ng minamahal mo para matutunan mong ma-appreciate yung ibibigay Ko sa'yo para mahalin ka. Bibigyan kita ng sapat na lakas para kayanin lahat ng pagsubok pero gagawin din kitang iyakin para mailabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Gagawin kitang isip bata para ipakita mo sa iba na masaya ang buhay lalo na kung lahat ay simple lang.

Love,

Papa God

Joke Time:


Dear Rhona,

Uhm, pwede bang tigilan mo na ang kakasabi ng "Smite me o Mighty Smiter"? Corny na e. Sa Bruce Almighty lang gumana yun. Sige ka, i-smite na kita. Atsaka, pwede ba, tigilan mo na ang kakahiling na magkatuluyan kayo ni Jay Sean. Hinde ka nga nya kilala e! Echoserang Frog! Try mo din muna tumaya sa lotto bago ka humiling na manalo ka. At, utang na loob, wag mong hilingin na madapa yung latest na nagpaiyak sa'yo. Bad yun!

Nagkakaintindihan ba tayo?

Love,

Papa God

PS:

Hinde liliit yang puson mo kung wala ka nang ginawa kundi lumamon at matulog halfway sa exercise routine mo.