Hinde ako taga-Bicol. Hinde ko rin naman sya kamag-anak. Pero sa mga sandaling ito, sobrang nag-aalala ako para kay Sec. Jesse Robredo. Oo, ako na ang matinding mag-worry. Sa totoo lang, hinde ko sya kilala masyado. Ang alam ko lang sa DILG sya. DTI pa nga ang sabi ko kanina e. Pero isa sya sa mga hinahangaan ko. Kumbaga, sa dinami-dami ng in-appoint ni P-Noy, si Sec. Robredo ang pinakamatinong desisyon nya. Hinde kasi ako mahilig sa mga politician na panay sisi sa predecessor nila. Hinde rin ako mahilig sa mga cabinet members na palaging naka-sentro ang mukha sa TV at hinde alam ang meaning ng delicadeza. Sige nga, kelan mo huling nakita na kakalat-kalat ang mukha ni Sec. Robredo sa TV?
Kaya sa mga sandaling ito, sobrang ipinagdarasal ko talaga na sana ligtas sya. Na sana may nakakita sa kanya at dun sa mga piloto. Na sana, konting galos, konting sugat lang. Basta ang mahalaga buhay sya.
Sobrang bothered talaga ako, tsk!