Thursday, June 28, 2012

The Bucket List

Dahil malapit na mag-walkout na sa kalendaryo ang edad ko, napagisip-isip ko, pano nga kung end of the world na sa 2012 <*insert Jay Sean song (2012, in case hinde mo alam)*> ? Napagawa tuloy ako ng bucket list.

Bago ka mamilosopo, ang bucket list is a list of things that you want to do before you die. Nauso nung ma-tegi si Mandy Moore sa A Walk to Remember at nang dahil sa pelikulang "The Bucket List". And so, without further ado, here's mine:

  1. Magkaron nang sariling bahay
  2. Magkaron nang sariling sasakyan
  3. Magkaron nang mas malaking office for Talent Shout
  4. Magkaron nang mas malaking income for Talent Shout (oo, mahal ko trabaho ko)
  5. Makapunta sa Louvre Museum.
  6. Makapunta sa London at mag-stay dun nang mga 1 week (mahabang story)
  7. Makapuntang New York or California (bakasyon lang)
  8. Makapuntang Corregidor (oo, ako na ang talipandas na Pinoy. Hinde ko pa sya talaga napupuntahan)
  9. Makabalik ng Oman one last time.
  10. Makapagsulat ng isang best-seller (whew!)
  11. Maka-date si Jay Sean (hinde ako ultimate fan hehehehehe)
  12. Mapalitan ang mga PC sa opisina bago pa ako patayin nung mga writers ko hihihihi
  13. Makapunta ng Vatican
Ia-update ko ito from time to time, promise!