Friday, October 30, 2009
Rhona-isms #4
If today is the last day of your life, how would you spend it? Would you do things differently?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako, hinde
Monday, October 26, 2009
My Soliloquy
Alam mo yung kantang "On The Side of Me"?
Minsan may mga katangahan tayong ginagawa na, during the time na ginawa natin yun e, hinde sya mukhang katangahan. As the song says, "the skeletons in my closets are too big to hide". Pero wala naman yun sa dami ng sikreto mo sa buhay e. Nandun yun sa kung pano ka natututo sa mga pagkakamali mo. Lahat naman tayo may sikreto e.
Mahirap lang pag wala kang mahahawakan, pag wala kang kakampi.
Sa buhay ko, madalas sabihin sa'kin ng mga lablayp ko na kakampi ko sila. Pero, sa totoo lang, konti lang sa kanila ang talagang kakampi ko. Karamihan sa kanila, pag nagkaipitan na, ako ang sinisisi. Kesyo masyado akong demanding, kesyo masyado akong dependent, kesyo masyado akong madrama.
Kahit sa mga kaibigan ko, konti lang talaga ang masasabi kong kakampi at alam kong hinde ako iiwan sa ere.
Importante sa'kin ang malamang may kakampi ako kaso sanay ako na mag-isa lang ako. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa ibang tao, except pag pinakita mo talaga na mapapagkatiwalaan ka. Weird na kung weird. Ganun ako. Pero hinde naman ako nangangagat hehehehe
So anong punto ko?
Sa sobrang kakatingin ko sa mga taong akala ko mapapagkatiwalaan ko, hinde ko napansin yung isang tao na noon pa man e uber suporta na sa'kin - mula nang pumasok ako sa Plastilens hanggang sa ngayon na meron na akong sariling business.
Hinde sya special, hinde mataas ang posisyon nya, hinde sya mayaman. Pero sa lahat ng kawalan nyang yun, isa sya sa mga iilang taong nakilala ko na hinde kiss-and-tell. Tinago nya lahat ng sikreto ko. Pinakinggan nya ako kahit na minsan paulit-ulit lang ako. Sinabihan nya ako kung ano ang tama at kung ano ang mali pero hinde nya ako pinilit na sundin sya. Hinde sya nakinig sa mga tsismis tungkol sa'kin at hinde rin sya nag-ambag ng sarili nyang version sa mga chismis.
Noon pa man nagpaparinig na sya. Pero hanggang pahaging lang, na type nya ako, na gusto nya ako, na mahal nya ako. Pero hinde ko yun pinapansin. Kasi naman, sa binait-bait nya e babaero ang tingin ng nakararami sa kanya. At babaero sya talaga kahit na torpe sya. Naka-ilang gf din sya.
...at ngayon ko lang naaappreciate ang pagiging isang tunay nyang kaibigan....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
mukhang may papalit na kay Wolverine, Jr at Acorn..
..tsk... tsk... you never learn!

Friday, October 23, 2009
Besame Mucho
Sabi nya ako lang daw ang mahal nya...
Sabi nya ako daw ang gusto nyang makasama habang buhay...
Sabi nya after five years daw may sarili na kaming pamilya...
Sabi nya stick to one lang daw sya at ako daw yungstick "one"...
Sabi nya ako daw ang nagpapasaya sa kanya...
Sabi nya ako daw ang gusto nyang pakasalan...
Sabi nya mahal daw nya ako...
Sabi nya kakampi ko daw sya kahit anong mangyari...
Sabi lang pala nya yun...at ang maniwala sa sabi-sabi e walang tiwala sa sarili...kaya ngayon, aalis na ako...paalam....nawa'y maging masaya ka na...nawa'y wag mong pagdaanan ang lahat ng ginawa mo sa'kin
Sabi nya ako daw ang gusto nyang makasama habang buhay...
Sabi nya after five years daw may sarili na kaming pamilya...
Sabi nya stick to one lang daw sya at ako daw yung
Sabi nya ako daw ang nagpapasaya sa kanya...
Sabi nya ako daw ang gusto nyang pakasalan...
Sabi nya mahal daw nya ako...
Sabi nya kakampi ko daw sya kahit anong mangyari...
Sabi lang pala nya yun...at ang maniwala sa sabi-sabi e walang tiwala sa sarili...kaya ngayon, aalis na ako...paalam....nawa'y maging masaya ka na...nawa'y wag mong pagdaanan ang lahat ng ginawa mo sa'kin
- Drama ng nagiinarteng Nokia E65 dahil pinalitan na ng iPhone
For sale na sya, Php 7,500 kasama pati box at lahat ng kalandian nya
Kala mo emo na naman no?!
Wala na...patay na kaya si Acorn
Wednesday, October 21, 2009
Happiness!
Mababaw lang kasiyahan ko...'sing babaw ng luha ni Judy Ann Santos. Sa totoo lang, sa sobrang saya ko, hinde ko malaman pa'no ako magba-blog. Hinde ko kasi alam kung ano ang right words para i-express ang nararamdaman ko kaya ganito na lang:
Sunday, October 18, 2009
Sorry, I'm Late
Tsk! Oo na, tinangay ako...tinangay ako ng sangkatutak na articles.
Pwede ko bang sabunutan ni Lauren T. Dyogi? Kasi naman, kung hinda dahil sa PBB e di sana lahat ng writers ko maximum eyport....kaso nanood sila ng PBB. Resulta? Ako ang tumatapos ngayon ng articles...Oo, hinde pa ako tapos huhuhu
Dumaan lang ako dito ngayon upang ipaalam na:

- buhay pa ako
- busy lang
- nababasa ko comments nyo pero maya na ako comment
- kelangan ko na ng red blood cells
- walang nanalo sa kontes
Ang orginal ko kasing tanong para sa kontes ay:
- Mabilis ba ang mga mata nyo?
- Malakas ba ang loob nyo?
Dahil, ang mananalo ng kontes dapay ay yung makakapagsabi sa'kin na, "Oy loka! May 'r' yung 'heto' mo dun sa naunang post!"
Pero clap clap clap pa rin kayo...gegeleng ng mga naisip nyo hehehehe
Thursday, October 15, 2009
Da Eksperimenteyshun Kontes
Nitong nagdaang araw ay may ginawa akong kalokohan. Nag-eksperiment ako. Gusto ko kasing malaman kung:
- Mabilis ba ?
- Malakas ba ?
At dahil kelangan ng informed consent palagi, gagawin ko na lang syang pa-contest. $5.00 thru PayPal sa taong makakahula ng kung ano yung experiment ko.
Hint: Backread ka
Tuesday, October 13, 2009
Herto Na....Heto Na....Heto Na....Waaaaaahhhhhh
Inggitera ako. Dahil sa madami nang naglalabasang Christmas wishlist, may I gaya na ako. Bakit? Para makapag-ipon kayo hehehehe. Jokeness, baka may mag-seryoso. Pwede rin naman kay mag-"regalo" sa'kin ng US$1 per day. Hayaan nyo, sa bawat US$1 na ibibigay nyo, US$.25 ang para sa biktima ni Ondoy at ni Pepeng (na hinde ko pa rin maintindihan kung bakit "Pepeng". Hinde ba't mas magandang pakinggang ang "Peping"?). Promise yan...Papadalan ko pa kayo ng pekshurs as evidence. Syempre yung US$ 0.75 e para sa kape ko at sa pagme-maintain ng...ng...ng....uhm....pambili ko ng okay sa alright na camera na pangkuha ng picture nung ebidens hehehehehe
Here it goes:
Here it goes:
- iPhone 3GS. Please mga bathala ng Globe. I-approve nyo na ang renewal ng line ko under sa iPhone plan nyo. Promise, magdededicate ako ng 3 blog posts (2 back links each) para sa'nyo pag in-approve nyo.
- External Hard Drive. Tutal lahat ng kalalakihang kilala ko e ayaw bilin ang leffteff ko dahil hot fenk ang kulur nya kaya makikiusap na lang akong regaluhan nyo ako ng external hard drive. Yung mga prenli prens dyan, pwede kayo maghati-hati na para sa regalo ko hehehehehe
- Dinner sa Grappa's. (Sushal!)
- Skinny Jeans...dahil tamad akong bumili hehehehe...size 27 po ako :)
- iPod Classic para naman pag naghihintay ako sa mga ka-meet ko e hinde ako maburyong.
- Bonggang bonggang opisina para sa Talent Shout (seryoso,kung may alam kayo na within 8k to 10k ang rent, pakisabihan ako sa lalong madaling panahon. Preferably within Las Piñas or Makati area...pwede ring Manila)
- Tumatanggap din po ako ng second hand laptops and computers na pwedeng hulugan. Kelangan lang para sa Talent Shout. Op chors, kelangan mauna muna yung opis bago yung lefftevs and desktops
- Matitinong writers. Yung tipo bang hinde na ako mage-edit :)
- Matitinong online training facilitators para sa bagong service na io-offer ng Talent Shout
- Isang linggong pahinga kasi uber pula na ng mata ko. Para na akong may permanent sore eyes
- World Peace...ang taray di ba?!
Ikaw, ano ang nasa Christmas wishlist mo?
PS:
Bisita naman kayo dito at mag-iwan ng bakas:
http://flauntonfashion.wordpress.com
http://essentalskincare.wordpress.com
Friday, October 9, 2009
Moving On...Moving Forward....Moving Mountains
Ma-react akong tao, I swear, so isang nakaka-high blood na gawain para sa'kin ang mag-blog hop at surf ng web kasi pag may nakikita akong nakakainis, naha-high blood agad ako.
Don't tell me to move on
I am still hurting
Whatever I am carrying
It's a burden you haven't seen
Don't tell me to forgive
Your daughter's life was not the one taken
My precious memories with her would never be enough
So stop telling me to just surrender
Don't ask me to forget
You haven't walked my way
Whatever I had gone through
Was only mine to suffer
You are not me
I am definitely not you
So don't ask me to see
The same hues as you do
Your experience is yours alone
As my life is mine alone
I may be witness to the same rising of the sun
But you are not me and I am not you
I believe there is a God
But such does not change the fact
That I lost a person I love
And you haven't walked that path
Grrrr.....

Wednesday, October 7, 2009
Pepeng Lumalaki Habang Pumapasok ng Maynila at ang Blogger's Choice Award
Linggo noon at naghahabol ako ng articles. Loko kasi itong si Ondoy, inilubog sa baha ang kagamitan ng 3 kong writers. Oo, kasama pati ang kanilang freyshus leffteff. So, no choice si ako, ako ang gagawa ng articles.
Eto na, nagsimula na namang dumilim...tsk, nagbabadya na si Pepeng. Sa totoo lang, abot-abot ang kaba ko. Pa'no ba naman, sabi ni Michael Fajatin, lumalaki na daw si Pepeng habang pumapasok ng Pinas.
....nang biglang, mula sa kapitbahay namin may humirit ng "And now the end is near and so I face the final curtain"
....kumidlat! Kala ko tatamaan na sya. Di ba lahat ng kumakanta noon namamatay? Siguro malakas syang manalangin sa bathala ng mga bagyo kaya hinde sya tinamaan ng kidlat. Tsk, sayang!
Alam mo yung Fujiwara effect, ayun, kapitbahay namin ang dahilan kung bakit naghihilahan ngayon si Pepeng at si Melor. Tsk! Kung bakit naman kasi naisipan pa nilang mag-videoke kung kelan nabagyo e. Kung susugurin sya ng mga nasalanta ng bagyo sa Northern Philippines, hinde ko sila pipigilan. Sakit sa tenga e!
Hay! Kaya bilang pampakalma, punta na lang tayo sa Philippine Blog Awards. Wahehehehe talo ako! Hinde nyo makikita ang aking shining, shimmering splendor. Jusme naman kasi, kabibigat ng mga kalaban ko (at talagang umasa ako!). In any case, Iwill vote for my friendly friend. Sino pa nga ba e di syempre si Diego at si Jose ng Good Times Manila (uhm, si Jose ang kaibigan ko, hinde si Diego). Nawa'y manalo nga sya....o sya sama na rin natin si Jose...Siamese naman sila e.
O di ba, hanep ako sa segue? Kasi naman wala pa ako sa matinong pag-iisip, bukod sa namimingi pa ako dahil sa kapitbahay namin. Tapos nakatanggap pa ako ng balita na namantay si Lauren Smith sa CSI. FTW (Fwet Talaga Wo!)!

Saturday, October 3, 2009
An Open Letter To Mr. Nasalanta
Dear Mr. Nasalanta,
Kami ay nakikiramay sa iyong dinaranas ngayon. Sa totoo lang, kung pwede lang namin ibigay pati ang damit na suot-suot namin, ginawa na namin. Syempre hinde pwede dahil baka maging bato ka pag nakita mo ako nakahubad.
(Wan mor taym!) Sa totoo lang, abot-abot din ang kaba namin dahil sa isa ang pamilya ng tito ko ang hanggang ngayon ay nasa evacuation center pa. Lahat ng naipundar nya ay nawala sa isang iglap kaya napakasakit din para sa'min ang nangyari sa'nyo. Mas masakit pa everytime na may nababalitaan kaming namatay - tao man o hayop (animal lover kasi ang sister ko).
Pero...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Jusme naman! Kelangan ba talagang butasan pa ang gulong ng mga nag-volunteer naming kaibigan dahil lang sa hinde kayo binigyan ng isa pang bag ng relief goods?!

Thursday, October 1, 2009
Kwentong Ondoy Ni Kikay
Oo, buhay pa ako. Sa mga kaaway ko, sorry na lang kayo hehehehe. Kay "Jacque Bermejo", sorry naman, makasalanan ako pero mukhang mali yung theory mo na bumaha dahil sa mga makasalanan.
Kumusta naman, kinabahan ako ng todo-todo nung kasagsagan ni Ondoy. Bakit kamo? In a span of 5 minutes, water rose to more than a foot in our place. Buti na lang hinde pumasok sa bahay namin. Unfortunately, the same cannot be said for our neighbors as well as for the establishments near Zapote Junction as well as those near Tuazon Subdivision (J. Rizal St.). Sa may Zapote Junction, water rose to about 7 feet according to one tambay. Sa may J. Rizal naman, water rose to more than 4 feet. My sister-in-law almost drowned sa area na yun kasi pauwi na sila nung pamangkin nya. Hinde nya inakalang ganun na kataas ng tubig at ganun kalakas yung current. Fortunately, tsinelas lang ang nawala nya (masama nga lang ang loob nya kasi Havaianas tapos hinde pa sa kanya hehehehehe). Basag ang pinto ng Mercury pati window nung isang barber shop sa sobrang lakas ng current. Nakakatakot talaga. Partida, kinakabahan na ako e wala naman ako sa Marikina or Rizal.
Maswerte kami dahil kuryente lang ang nawala sa'min. Maswerte din kami na madaling bumaba yung baha. By 3 am ng linggo, wala ni katiting na tubig sa subdivision namin (Bro, salamat po). Kapalit naman nun, para sa'kin, ay ang libo-libong kaba para sa mga kaibigan ko at kamag-anak na hinde sumasagot sa text ko.
Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa? First time kasi makakita ng pamangkin ko nga ganoon kataas na baha. Tuwang tuwa sya, gusto nya aw mag-"twimming". Alam mo kung ano pa mas nakakatuwa?

- Muelmer Magallanes. Parang hinde sapat ang kahit na anumang salita para ipahiwatig kung gano ako ka-bow sa kanya. Hinde biro ang suungin ang rumaragasang baha gayong mas madaling i-save mo na lang ang sarili mo. Kung nasaan ka man ngayon, salamat!
- Gerlad Anderson - okay, lab na kita kahit na parang palagi kang galit sa Tayong Tatlo este Tayong Dalawa. Artista ka, pwede kang mag-inarte at manghablot na lang ng naval boat para i-save ang sarili mo at pamilya mo pero mas naisip mong i-check if kelangan ng mga kapitbahay mo ng tulong.
- Manuel Quezon III - Kung hinde sa walang patumangga mong updates via twitter, FB at kung anik-anik pang social sites, malamang hinde makakarating sa mas maraming tao ang kalagayan ng mga nasa Marikina, Cainta, etc.
- Definitely Filipino - isa pa kayo, tulad nang nasa taas, salamat sa every minute na feedback.
- Mga Facebookers na tumigil sandali sa pagha-harvest at pakikipag-away sa ibang Mafia Family upang mag-retwit, re-post at kung anik-anik pa, ng mga pangyayari.
- Mga indibidwal at grupo ng indibidwal na hinde na nag-antay ng "go" signal at kusa nang nag-volunteer ng kanilang serbisyo para makatulong.
- Mga libo-libong Filipino na hinde man mapangalanan pero isinakripisyo ang kung anumang meron sila para lang sa mga taong nangangailangan (oo, kasama dyan pati yung mga nagdasal)
- Sa mga kumpanya na talaga naman pong nag-extend hinde lang ng tulong kundi pati na rin pang-unawa sa mga nasalanta (mahirap mawalan ng bahay).
- AylabyuoDesk! Dahil alam nyong mahihirapan kaming magemail kaya kayo na ang nakipag-usap sa mga buyers para sa'min. Tenjewberrymud!
Pero syempre, pag may good...may bad. Naiinis ako sa mga:
- Looters! Pwede ba?! E kung lunurin ko kaya kayo?!
- Mga walang puso. Pwede ba, malamang hinde makakapasok kalahati ng work force nyo pero wag nyo naman silang parusahan pa lalo. Hinde naman po nila ginusto na malubog sa putik ang lahat ng kanilang gamit.
- Wan more taym! Mga walang puso! Mag-ambag ka naman kahit prayers lang...kahit simpleng twit or plurk nga lang pwede na e.
- Mga reklamo ng reklamo. Yun bang tipong binigyan na nga ng relief goods e nagrereklamo pa na hinde raw sila kumakain ng sardinas or noodles. Jusme?! E kung palitan ko kaya ng putik yan?!
Ikaw, ano ang kwentong Ondoy mo?
Subscribe to:
Posts (Atom)