Friday, October 14, 2011

Game Time!


Eto na naman ako, sumusulpot na parang kabute! Eto ay dahil kelangang kumayod ng aking kagandahan. kaya, ano pa hinihintay nyo, join na!

Mechanics:

1. Create a Fan Sign about Talent Shout's Affiliate Marketing Program.

2. Fan sign should feature Talent Shout logo and should encourage people to sign up as an affiliate.

3. Once posted on your wall, do not forget to tag Talent Shout Business Consultancy.

4. Encourage your friends to like your fan sign as well as to sign up athttp://www.talent-shout.com/affiliates/. The more likes, the closer you would be to Php 1,000.00!

5. First to get 150 likes, wins!

ONLY "LIKES" with corresponding Affiliate Subscription would be counted

O, bakit nandyan ka pa? Join na!

Wednesday, September 28, 2011

Rhona-isms #7

Bakit maraming nagsasabi na dapat mas mahal nang lalake ang babae kesa ang babae sa lalake?
Name-measure ba yun? Ano yon, lamang dapat ng 2 salop yung lalake? Ano ang isang salop na pag-ibig?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ano nga ba ang salop?

Tuesday, September 27, 2011

Goodbye Selos!

Selosa ako, hinde pa ba obvious. Lahat na lang ng babae na madikit at magkamali ng "hi" sa labidabs ko ay pinagseselosan ko. Hinde naman dahil sa hinde ako maganda dahil sure akong maganda ako. Kaya lang, meron talagang mga babae na hinde ko maintindihan kung ano meron pero ang hilig magpa-cute sa mga lalakeng may gusto sa kanila kahit na may boyfriend naman sila at walang gusto ko dun sa una.

Tulad na lang sa labidabs ko. Meron syang isang babae na gusto (na kagandahang asal naman! Dati ko pang kaibigan ang nagpakilala, sabay laging tanong sakin ng "Kumusta na kayo ni "(insert name here)"? Ang walanghiya! Kaya pala nangangamusta e may isina-saydlayn!) si labidabs. Hinde kagandahan si babae at sure akong kahit gano pa kabanal ang FB wall nya e hinde sya ganun katino. Bakit kamo? May boyfriend sya pero kinakalantari pa rin nya si labidabs. Si labidabs naman feel na feel. Mas gusto nya yung girl na yun kesa sakin kasi wala daw pressure, kasi mas mahinhin daw at mas banal banalan. Pwes, eto lang ang masasabi ko:

UTOT MO!

Anong walang pressure? Wala lang pressure kasi hinde kayo pero pag naging kayo, x100 ko kaya yan maging pressure cooker. At hinde lang pressure aabutin mo sa kanya, mapapahiya ka nang bonggang bongga sa lahat ng friends, family and co-workers nya kasi lahat yung pagkukwentuhan nya. At yung sinasabi mong pabago-bago ako ng isip, mas matindi din sya. Kung ako inaabot ng hours bago magbago-isip, sya minutes lang. Pag hinde ka naman nabaliw!

Kaya eto lang ang masasabi ko, selos ba kamo? Hinde na uy! Sayang ang effort ko! Gusto mong ligawan yan, go ahead. Hahalakhak na lang ako pag maputi na buhok mo at panay wrinkles na noo dahil sa sakit ng ulo sa kanya.

Mu-ha-ha

Tuesday, July 5, 2011

Pormsprung!

Kikayness, bakit palagi kang emo? Tapos palagi pang lovelife ang post mo?

Ano ba ang ibig sabihin ng emo? Hinde ba't emotional? Masama bang maging in touch sa aking inner self? Ha? Ha? Ha? At may magagawa ka ba kung sa sobrang pagiging perpekto ko e lovelife lang ang may sabit? Hinde ako galit. Nagtatanong lang.


Sa tingin mo, maganda ka ba?

BUT OPKORS! Tinatanong pa ba yan? Kung ayaw mong maniwala, gumawa ka ng sarili mong blog at wag na wag kang mapapadaan dito....no ex-links por yu!


Bakit ang hilig mo sa mga taong ayaw sa'yo?

There lies the challenge nyahahahahaha....hinde naman sa mahilig. Natataon lang na iba ang gusto nila pero karamihan sa kanila e naging friendly friends ko.


Totoo bang pagsa-sariling sikap ang pangunguyakoy?

Howmaygad! Ang mga tanong mo! Depende kung panong kuyakoy ang ginagawa mo. Ngayon, kung napapakagat-labi ka sa pagkuyakoy, ay! Umihi ka na, bastyanes ka! Mayu-UTI ka nyang ginagawa mo e


Bakit mahilig ka sa listahan?

Dahil isa akong frustrated na jueteng lord! ahehehehe...bakit ba, trip ko lang...bakit mahilig kang magtanong?


Bakit ang daming typo ng blog mo?

Ehem! Sino nagpapasok sa'yo dito?! Hinde yan error, sinadya yan para malaman kung metikuloso ka ba. Ipagpaumanhin mo pero patakas lang kasi ako mag-blog.


Di ba gumagawa ka ng articles? Bakit tagalog ang blog mo? Bagsak ka sa English ano?

Ay oo, bobo ako sa English. Sa math kasi ako magaling (wag po sana ako tamaan ng kidlat).

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wag mo nang hanapin ang formspring dito. Wala ako nun...gawa-gawa ko lang yan.

Monday, July 4, 2011

Ang Huling El Bimbo

Wala talaga akong balak mag-blog. Sa dami ng kinakalikot ko sa opisina, isang naghuhumindig na ay-port ang buksan ko ang blogger.com...kaso, napadaan ako sa kuta ni Lio at na-inspire sa kanyang latest post.

Kung siya ay may stalker, ako naman ay may stalk walang kahit na ano. Yung mapagpanggap kong lovelife ay tuluyan ko nangtinapos mga 30 minutes ago (oo, inorasan ko). Bakit kamo? Dahil sa mahal ko din ang sarili ko.


Kung ikaw ay madalas dito sa ehaws ko, malamang alam mo na kung sino tinutukoy ko. Panahon na para mag ala-Karylle. Ekshuli, kahit sang direksyon okay na, basta ang mahalaga maka-move on. Masakit kasi pag mahal mo ang isang taong walang pagmamahal na sa'yo pero ginagawa kang long-katuts. Mas gugustuhin ko pa ang magmahal nang walang pagmamahal sa'kin pero hinde ako inuutus-utusan at sinisigawan na para bang walang utak. E, emotera pa man din ako!



So, move on ang drama ko ngayong linggong 'to. Naalala ko dati na, para maka-move on, nagsimula akong mag-blog kaya heto, balik blogging world ako. Di bale nang walang nagbabasa basta may mapaglabasan lang ng sama ng loob.



Hinde ko sure if kakayanin ko. Sana kayanin ko. Simpleng problema lang naman 'to e (kaso nga emotera ako). Bbay steps. Pati post ko tuloy patalon-talon. Masakit kasi e. Ilang taon mong nakasama tapos napatungtong lang sa bayan ng mga paya na kalabaw na may bundok sa likod (oha, hulaan mo nga kung ano yan), e nagmama-angas na. Sabagay, marami naman syang babae. Dun na lang sya sa mga babae nya. Mas marami mang babae sa mundo, isa lang ako (grabe! hangtindi ng kompidens!). Hinde ako perpekto pero sure ako na masarap akong mahalin. Pano ko nalaman? Kasi minsan nang may nag-trato sa'kin na para bang ako si Duchesss Kate Middleton (duchess sya tama?).



Sabi nga ni Winkie, beggars can't be choosy (o choosers?)....kaso I'm not a beggar....oha!

Kaya ko 'to! Alam kong maraming matutuwa. Mga feeling kaibigan ko dun sa dati kong pinagta-trabahuhan pero mga traydor pala. Sige, matuwa na kayo. Inyo na yang kaibigan nyo. Hinde ko kayo ka-level. Langit ako, lusak kayo (cue: Cruella de Ville laugh<---bitter herbs!

Hayaan nyo muna ako mag mala-ampalaya. Kailangan kong pagdaanan ito. Kailangan kong dumaan sa butas ng karayom para lumabas na may hawak na Pepsi maging mas matatag na tao.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sana pinanganak na lang akong lalake.

Thursday, March 17, 2011

I Remember the Days

Napakanta ka ba? Pwes, isa lang ang ibig sabihin nyan - fan ka ni Efril Boy. (segue: pagpasensyahan ang mga shortcut sa post na ito dahil selepono lang ang hawak ko)

Nagkita kami ni winkiedoodles kanina kaya naman na-engganyo akong mag-post, at naisipan kong i-post ang mga bagay na nauso noong 2009 na sobrang miss ko na:

1. Every other day na blog. Di bale nang hinde makatulog sa oras basta't may bagong post lang. Kahit pagiyak ng kapitbahay namin naka-post basta lang may maisulat. Ewan ko ba, lakas ng epekto ni katam.
2. Blogkada. Nakakamiss din pala yung halos oras oras mong kausap sina Lovely, Winkie, Leyna, Twin sis, Joycee, Tsi, Mars, Hamster, Ax, Deej, Maldito, CF, Lio, at iba pang hinde ko maalala..(sori naman). Dati, updated ang ang isa't isa ngayon, ala na akong upodates tungkol sa kanila.
3. Lio. A syempre special mention 'to. Star writer ko 'to e. Bukod sa kaututang dila at kaladkaring friend pag dating sa panonood ng sine at gimikan. Dahil jumojowa na sya, waley na ako makaladkad. (oi iho, angela's ashes?)
4. Blog contest. Dahil sa blog contest na yan, ako'y nagkapera at nagka-shirt. Wala bang magpapakontes na iPad ang premyo?
5. GTM at blogwalk. Dahil nga busy-busyhan ako at karamihan ng bloggers, waley na dalaw-dalaw sa kapit ehaus. Litsi kasing hiatus fever yan e.

Yun lang...nag-update lang ako. Pampawala lang ng init ng ulo. Masakit pala sa daliri ang mag-blog gamit ang c3? Huhuhu, come back, iffy, come back!

Sunday, January 16, 2011

Kung Mamahalin Mo Ako

Na-inspire ako sa post ni Joycee nung isang araw kaya gagawa din ako ng version ko:

Madali kang magkakagusto sa'kin dahil madaldal ako at bungisngis. Madali mo akong malalapitan kasi wala naman akong masyadong arte...

...pero sinasabi ko sa'yo, MAHIRAP AKONG MAHALIN:
  1. Iyakin ako. Kasama na syempre dun ang pagiging moody ko lalo na pag mainit ang ulo ko dahil sa ibang tao or pagod ako. At, madaling uminit ang ulo ko.
  2. Matigas ang ulo ko. Hinde mo ako basta-basta mapapasunod.
  3. Ayoko ng makwento lalo na't hinde naman ako nagkukwento (mas lalo na pag nakasakay sa bus)
  4. Ayoko ng pa-cute, ayoko ng pa-sweet habang nanliligaw. Sa tanda kong ito, hinde na bagay. Pang-high school at pangnagpe-perslab lang yan. Wag mo na akong purihin ng todo-todo, alam ko kung anong meron ako at kung anong wala.
  5. Demanding ako. Kelangan ko pa bang i-explain?
  6. Tamad akong mag-text kaya wag kang umasang rereplyan kita palagi. Tamad akong makipag-usap sa telepono kaya wag mo nang hingin ang number ko. Hinde ko rin naman ibibigay. Tamad akong gumala unless tayo na.
  7. Wag mo akong sindakin sa nalalaman mo. Magkamali ka pa dyan, malait lang kita. Nagkasala pa tuloy ako nang dahil sa'yo.
  8. Hinde pa kita sinasagot kaya tantanan mo ang paghawak sa kamay ko, pag-amoy ng buhok ko, at pasimpleng pag-akbay. Wag mong antaying mapahiya ka pa.
  9. Kulang ako sa brake fluid minsan. Ayokong pahabain ang paghihirap mo. Pag sinabi kong ayaw ko sa'yo, ayaw ko sa'yo. Wag mo nang isipin na nagpapa-cute lang ako. Hinde uso sa'kin yun. Nagpapa-cute lang ako sa jowa ko na at sa mga magulang ko dahil may kailangan ako.
  10. Kung bolahan lang ang gusto mo at simpleng kalandian, layuan mo na ako. Seryoso ako pag nagmahal, sa edad kong ito. Kalokah naman kung 30 ka na e pa-fling fling ka pa rin.
  11. Hinde ako nasisindak sa pera. Madaling kitain yan.
  12. Makakaakyat ka lang ng bahay namin pag type kita or sinagot na kita. Otherwise, wag mo nang tangkain na ihatid ako. Ililigaw lang kita.
  13. Pag tinawag kitang "friend", "kuya", o "ama/ itay", wag ka nang umasa. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo at kahit na tumandang dalaga ako, walang chance na magkagusto ako sa'yo.

I thank you.

*back to hiatus mode*

Saturday, January 1, 2011

I Promise...

For 2011, I promise to:

  1. Assert myself more and not let seemingly nice people take advantage of me.
  2. Do more blog posts (oo na, last year pa'to. Seryoso na, dadamihan ko na talaga!)
  3. Take more pictures. Mula ng magkawalay kami ni iffy, hinde na ako masyadong nakakapag-pityur!pityur! Ngayon, babalikan ko ang pagpipityur-pityur.
  4. Travel. Hinde man papunta sa ibang bansa pero at least sa 'Pinas e makaikot man lang ako. Baka matuluyan na nga tayo sa 2012, buti na yung life well lived hehehehehe
  5. Magtipid. Balak ko kasing bumili ng lalake ng digicam at mas magandang computer kaya ngayon pa lang magtitipid na ako.
  6. Listen to my inner self. Sa sobrang tigas ng ulo ko, pati sarili kong instinct hinde ko pinakinggan last 2010 kaya nagkawindang-windang ang buhay ko.
  7. Find a new hobby. Iniisip ko pa kung mangongolekta ako ng bungo o uong kalansay na (joke! ang magseryoso uunahin kong gawing kalansay)
  8. Mas mahalin ang mga taong sobrang umitindi sa'kin last 2010. Keyword: SOBRA
  9. Buy more books and study more. Napabayaan ko ito last year e.

Wala pa akong maisip for no. 10. Baka may suggestion ka.