Kikayness, bakit palagi kang emo? Tapos palagi pang lovelife ang post mo?
Ano ba ang ibig sabihin ng emo? Hinde ba't emotional? Masama bang maging in touch sa aking inner self? Ha? Ha? Ha? At may magagawa ka ba kung sa sobrang pagiging perpekto ko e lovelife lang ang may sabit? Hinde ako galit. Nagtatanong lang.
Sa tingin mo, maganda ka ba?
BUT OPKORS! Tinatanong pa ba yan? Kung ayaw mong maniwala, gumawa ka ng sarili mong blog at wag na wag kang mapapadaan dito....no ex-links por yu!
Bakit ang hilig mo sa mga taong ayaw sa'yo?
There lies the challenge nyahahahahaha....hinde naman sa mahilig. Natataon lang na iba ang gusto nila pero karamihan sa kanila e naging friendly friends ko.
Totoo bang pagsa-sariling sikap ang pangunguyakoy?
Howmaygad! Ang mga tanong mo! Depende kung panong kuyakoy ang ginagawa mo. Ngayon, kung napapakagat-labi ka sa pagkuyakoy, ay! Umihi ka na, bastyanes ka! Mayu-UTI ka nyang ginagawa mo e
Bakit mahilig ka sa listahan?
Dahil isa akong frustrated na jueteng lord! ahehehehe...bakit ba, trip ko lang...bakit mahilig kang magtanong?
Bakit ang daming typo ng blog mo?
Ehem! Sino nagpapasok sa'yo dito?! Hinde yan error, sinadya yan para malaman kung metikuloso ka ba. Ipagpaumanhin mo pero patakas lang kasi ako mag-blog.
Di ba gumagawa ka ng articles? Bakit tagalog ang blog mo? Bagsak ka sa English ano?
Ay oo, bobo ako sa English. Sa math kasi ako magaling (wag po sana ako tamaan ng kidlat).
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wag mo nang hanapin ang formspring dito. Wala ako nun...gawa-gawa ko lang yan.