Kung siya ay may stalker, ako naman ay
Kung ikaw ay madalas dito sa ehaws ko, malamang alam mo na kung sino tinutukoy ko. Panahon na para mag ala-Karylle. Ekshuli, kahit sang direksyon okay na, basta ang mahalaga maka-move on. Masakit kasi pag mahal mo ang isang taong walang pagmamahal na sa'yo pero ginagawa kang long-katuts. Mas gugustuhin ko pa ang magmahal nang walang pagmamahal sa'kin pero hinde ako inuutus-utusan at sinisigawan na para bang walang utak. E, emotera pa man din ako!
So, move on ang drama ko ngayong linggong 'to. Naalala ko dati na, para maka-move on, nagsimula akong mag-blog kaya heto, balik blogging world ako. Di bale nang walang nagbabasa basta may mapaglabasan lang ng sama ng loob.
Hinde ko sure if kakayanin ko. Sana kayanin ko. Simpleng problema lang naman 'to e (kaso nga emotera ako). Bbay steps. Pati post ko tuloy patalon-talon. Masakit kasi e. Ilang taon mong nakasama tapos napatungtong lang sa bayan ng mga paya na kalabaw na may bundok sa likod (oha, hulaan mo nga kung ano yan), e nagmama-angas na. Sabagay, marami naman syang babae. Dun na lang sya sa mga babae nya. Mas marami mang babae sa mundo, isa lang ako (grabe! hangtindi ng kompidens!). Hinde ako perpekto pero sure ako na masarap akong mahalin. Pano ko nalaman? Kasi minsan nang may nag-trato sa'kin na para bang ako si Duchesss Kate Middleton (duchess sya tama?).
Sabi nga ni Winkie, beggars can't be choosy (o choosers?)....kaso I'm not a beggar....oha!
Kaya ko 'to! Alam kong maraming matutuwa. Mga feeling kaibigan ko dun sa dati kong pinagta-trabahuhan pero mga traydor pala. Sige, matuwa na kayo. Inyo na yang kaibigan nyo. Hinde ko kayo ka-level. Langit ako, lusak kayo (cue: Cruella de Ville laugh<---bitter herbs!
Hayaan nyo muna ako mag mala-ampalaya. Kailangan kong pagdaanan ito. Kailangan kong dumaan sa butas ng karayom para lumabas na may hawak na Pepsi maging mas matatag na tao.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sana pinanganak na lang akong lalake.