Thursday, February 23, 2012

English Pet Peeves

Oo, mapanglait ako pag dating sa English. Aymsosaree, writer kasi ako at sadyang allergic ako sa wrong choice of words at grammar lapses. Hinde naman ako grammar police/ nazi. Hinde naman ako naninita pero utang na loob, laging tatandaan ang mg sumusunod na bagay bagay:

  • Ang "poise" at "pose" ay hinde magkapareho. 
Poise - n.
1. A state of balance or equilibrium; stability.
2. Freedom from affectation or embarrassment; composure.
3. The bearing or deportment of the head or body; mien.
4. A state or condition of hovering or being suspended.

Pose - n.
1. A bodily attitude or position, especially one assumed for an artist or a photographer. See Synonyms at posture.
2. A studied attitude assumed for effect.

Isipin mo na lang. Poise ay short for composure at pose ay short for posture.

  • Magkaintindihan tayo. Ballad, hinde balad. Leader, hinde Lider. Thank God! Hinde, thanks God! unless na lang kausap mo si Papa God. Yung una ay expression, yung huli ay shortened version ng "Thank you, God" at ginagamit lamang kung si Papa God mismo ang kausap mo. Kung may iba kang kausap at ang nais mong sabihin ay "I thank God", then "Thank God" ang gamitin mo.
  • Hinde nakakatuwa ang jejemon na 45 na ang edad. Utang na loob!
  • Happy 5th anniversary at HINDE Happy 5th year anniversary. Redundant.
Nagkakaintindihan ba tayo?

Saan ko nakuha lahat ng ito? Sa FB ng mga kalukadidang nung ex ko. Bitter much!

Sunday, February 19, 2012

More Than A Hundred Posts Later

Dahil nagbabalik ang aking blogging mojo, napagisip-isipan kong mag-backread sa sarili kong blog. Kalerkey! Natawa ako sa mga posts ko (syempre, love thy own!). Pwede na pala ako sa comedy bar! Ano nga ba ang nagbago after more than a hundred posts?

  1. Mahilig pa rin ako sa mga listahan. Obvious ba? Mas madaling mag-enumerate kesa dere-deretsong kwento e.
  2. June 2009, problema ko lablayp. June 2010, problema ko lablayp. June 2011, problema ko lablayp. Nawa'y magbago ang takbo ng hangin sa darating na June 2012 para naman if end of the world na nga sa December 2012, naranasan ko naman ang matino-tinong lablayp.
  3. Never-on-a-Sunday ang paborito kong tugtog noong 2009. 2010 naman, paborito ko ang Tonight ng FM Static. 2011 si Adam Levine ang pinagti-tripan ko. Pwes, Jay Sean, 2012 is indeed your year! Marry me!!!!
  4. 2009, mahal ko pa si Acorn. 2010, mahal ko pa si Acorn. 2011, mahal ko pa si Acorn. 2012, ay sa wakas! Naka-move on na rin. Iba na ang mahal kaso wagas pa rin ang pagiging sawi!
  5. Wala akong matinong tulog nung 2009. Wala akong matinong tulog nung 2010. Wala akong matinong tulog nung 2011. 2012: Tulog? Nakakain ba yun?
  6. Wala akong sariling kwarto nung 2009 hanggang kalahati ng 2011. Ngayon, yehey! May sarili na akong kwarto. Pwede na akong mag-asawa! (Na imposible pala kasi nga sawi ang lablayp).
  7. Tumaba na ako! Woot! .....kahit paano....
  8. Hinde pa rin ako nakakabili ng kapalit ni Kerry :(
Hay, how time flies! Ikaw, ano ba ang pinagbago mo?

Friday, February 17, 2012

Heybi Drama

Hay naku! Pati Blogger.com iba na rin itsura ng interface.

Hekshuli, super buryong ako ngayong araw na ito. Kulang ako sa tulog plus ang sakit ng ulo ko plus gutom ako kasi late na ako nakapag-lunch. Ang pang-asar a, sinaluhan na naman ako ng ipis sa lunch. Blech! Tapos alam mo kung ano pa yung mas nakakainis? Ang masabihan kang maarte ka lalo na't sure kang hinde ka maarte. Bakit ko nga ba nasabing hinde ako maarte?


  1. Pwede mo akong yayain kumain sa kanto. Seryoso. Kumakain ako ng goto sa tabi-tabi (wag na lang kayo maingay sa nanay ko at lagot na naman ako). Mahilig ako sa pares at sa fishball. Suki din ako nung mga kanto kanto lang na calamares (at lalo tuloy akong nagutom ngayon).
  2. Hinde ako maarte pag dating sa lakaran. Hinde ako naghahanap ng taxi kung pwede naman ako mag-jeep. Hinde rin ako naghahanap ng jeep kung pwede naman ako maglakad. Nakikipagsiksikan ako sa LRT/ MRT at marunong akong tumayo sa bus.
  3. Hinde ako mahilig sa latest or de-tatak na damit. Basta matino itsura at kumportable ako, go!
  4. Lutong bahay ba kamo? Go ako dyan! Hinde ko kelangan ng mamahaling kainan para mabusog. Basta masarap na luto, oks na ako.
  5. Romantic date ba 'ka mo? Pili ka - sementeryo o breakwaters. Hinde na kelangan pang manood ng sine. Usap lang tayo, pwede na.
'Yan ba ang maarte?! Utang na loob! Kainis!

(Orson background: P*ta kalma lang!) Sino si Orson? Staff ko, bakit?

Saturday, February 11, 2012

Brokenhearted Me

At syempre, matapos kong mawala nang mataga na panahon, ang panumbalik kogn post e pang-sawi agad.

Oo na, ako na ang dakilang sawi sa pag-ibig. Kung hinde pinagpalit sa ibang babae, pinagpalit sa ibang lalake/career/paniniwala/. Wagas ang pagiging sawi! So ano bang nangyari sa latest na nilalablayp?

Dear Charo Itago natin sya sa pangalang "The One". Bakit "The One"? Walang kelamanan Dahil isa na syang the one that got away. Nagsimula ang lahat two years ago. Oo, two years ago, si Acorn ang iniiyakan ko (hinde mo sya kilala? Backread ka). Habang iniiyakan ko si Acorn, si The One ay matyagang nagaantay sa kanto ng The Columns para ihatid ako pauwi (take note, 2:00 am ito). Hinde naman sa wala akong gusto sa kanya pero ayaw ko naman kasi pumasok sa isang relationship na meron pa akong bagaheng bitbit. So syempre, tinapos ko muna itong isa bago ko binigyan ng chance si The One. Fast forward to today. Si Acorn ay isa na lamang kaibigan at si The One ay hinde na ako pinapansin.

Isang naghuhumindig na, "What Happened?!" (Oo, tanong ko rin yan sa sarili ko).

After two years, napatunayan ko na hinde na nga ako mahal ni Acorn. Oo, ako na ang tanga. Two years para maka-move on (pero may kilala ako, 8 years and counting hehehehe). Ang problema, kung kelan ready na ako na bigyan ng chance si The One, tsaka naman sya ang ayaw.

Saklap with a capital P!

So what to do? Eto, binubusog ko ngayon ang tenga ko ng kanta ni Jay Sean (kasi hawig nya) tapos inuuntog ko ulo ko sa pader. Anaknamanngpitumpungpitongputingpating! Hinde na naman ako maka-move on!

...at hinde rin ako marunong mag-edit ng picture...deym!