Monday, August 20, 2012

From A Friend During Lonely Days

Hinde ako mahilig magtapon ng letters sa'kin. Kahit yung mga sulat sa'kin nung classmates ko nung elementary, nakatabi pa. Sa mga 1,000 letters na naibigay sa'kin, siguro, 10 lang ang naitapon ko. Bakit kamo? Baka kasi mainggit kayo sa sobrang sweetness mwehehehehehe. Pero pag sa mga panahong nade-depress ako, isa sa mga paborito kong gawin e basahin yung mga sulat na yun. Sarap kasi sa pakiramdam yung alam mong may nakaka-appreciate sa ginagawa mo. Eto isa galing kay Eunice, classmate (at cheatmate seatmate) ko nung college.
Rhonadale and I have been friends since college, so that’s like how many moons ago. I can’t even remember how we became friends ‘cos we don’t belong to one barkada. When I first met her, I thought that she’s the stereotypical scholar ng bayan – the go-to girl for everything like notes, assignment, etc. But when I came to know her, I realized that there’s more to her than that. She has a lot to share aside from her geeky-ness. Peace! She’s very talented – she likes singing, dancing, and acting. Total performer ito! She’s even a best actress nominee in one of our college plays. She sure has a lot of creative ideas even back in the days. No wonder, ang dami nyang kumikitang kabuhayan ngayon. But more than that, she has a lot of love to give. She is very passionate and this shows in everything she does.


Buy Me A Cup Of Coffee

Sunday, August 19, 2012

Sec. Jesse Robredo, Nasan Ka?

Hinde ako taga-Bicol. Hinde ko rin naman sya kamag-anak. Pero sa mga sandaling ito, sobrang nag-aalala ako para kay Sec. Jesse Robredo. Oo, ako na ang matinding mag-worry. Sa totoo lang, hinde ko sya kilala masyado. Ang alam ko lang sa DILG sya. DTI pa nga ang sabi ko kanina e. Pero isa sya sa mga hinahangaan ko. Kumbaga, sa dinami-dami ng in-appoint ni P-Noy, si Sec. Robredo ang pinakamatinong desisyon nya. Hinde kasi ako mahilig sa mga politician na panay sisi sa predecessor nila. Hinde rin ako mahilig sa mga cabinet members na palaging naka-sentro ang mukha sa TV at hinde alam ang meaning ng delicadeza. Sige nga, kelan mo huling nakita na kakalat-kalat ang mukha ni Sec. Robredo sa TV?

Kaya sa mga sandaling ito, sobrang ipinagdarasal ko talaga na sana ligtas sya. Na sana may nakakita sa kanya at dun sa mga piloto. Na sana, konting galos, konting sugat lang. Basta ang mahalaga buhay sya.

Sobrang bothered talaga ako, tsk!

Wednesday, August 15, 2012

A Little Thing Called Love

*Emo post ahead*

Alam mo yung mga moments na sobrang daming gumugulo sa isip mo tapos feeling mo super underappreciated ka? Pwes, nandun ako sa estado na yun ngayon. Mga ganitong estado palagi ang dahilan kung bakit ako nakakapag-blog.

Hinde ko malaman if nalulungkot ako o naiinis o sadyang pagod lang. Basta ang alam ko, hinde ako makahinga. Ang alam ko, hinde ako masaya. Ang alam ko pagod na akong umasa. Sa mga sandaling ito, kung merong nangangailangan ng crash test dummy, magpiprisinta ako ng bonggang bongga. Bakit? Kasi hinde ko na kaya. Napapagod na ako. Nakakapagod pala ang hinde ka bigyang pahalaga ng taong mahal mo. Yung tipo bang naalala ka lang pag may kelangan sa'yo. Nakakainis na nakakapagod. Pwede mo naman ituloy pero kung hinde naman napapansin, kung palaging sasabihan ka ng "kulang pa", nakakainis na.

Sa mga ganitong panahon ko naiisip na sana pwede ang time travel, now na. Gusto kong sabihin kay Papa God na baka pwedeng rewind mga hanggang 2003. Aayusin ko lang kalokohan ka para pag dating ng 2012, masaya na ako at may sariling pamilya. Siguro kung alam ko na noon pa man na ganito mangyayari sa'kin ngayon, sana noon pa lang, nagtino na ako. Sana pinahalagahan ko na yung isang tao dyan sa tabi-tabi na talaga naman minahal ako ng todo.

Kaso hinde. Hinde ako pwede humingi ng rewind at wala pa rin naman nakakagawa ng time travel. Kaya eto, gusto kong batukan ang sarili. Gusto kong maglubog sa dagat nang yelo dahil sa katangahan ko.

Kaya ikaw, kung may nagmamahal sa'yo ng sobra sobra, wag mong tutksuhin ang tadhana at itutulak yang taong yan na palayo kasi baka mapuno yan at talikuran ka na. Tapos, baka pag malayo na sya at may iba ka nang mahal, ma-realize mo na bato lang ang hawak mo ngayon. Bato na sana ay diamante kaso kaartehan mo, ayan.

Tsk! Anak talaga nang kalungkutan.

Monday, August 13, 2012

Init ng Ulo

Dear Acorn,








Madulas ka sana.








Thank you,

Kikayness