Friday, February 26, 2010

Top 10 Kainit Ng Ulo Moments Sa Cel

Sa totoo lang, hinde ko ma-imagine ang buhay ko na walang cellphone. Sa sobrang dami ng kelangan kong kausapin, tandaan, isulat, pakinggan na mp3, panooring pelikula, at kunan ng picture (talagang kasama 'tong tatlong huli na'to), hinde pwedeng mawalay sa'kin si Iffy at si Tres (hinde mo sila kilala? *hithit ng hangin (translation: gasp)*. Pero ewan ko ba, may mga moments na gusto mong ibato na lang ang cellphone at gilitan ng leeg yung mga nagte-text sa'yo. Kaya eto, naglista si Kikay ng 10 kainis na moments tungkol sa selpown:

  1. Syempre uunahin ko na yung damuhong mga text ng text sa'kin ng kung sino nangunguna sa serbey ng mga presidentiables at kung sino ang mas bano kay Villar at Noy-Noy. (Mabilisang segue: Pwede ba?! Lalo lang nawawalan ng gana sa'nyo ang karamihan ng boboto kung ang plataporma nyo ay naka-base sa kung gano kapanget ang present administration at kung gano kapanget ang plataporma ng isa't isa. Kelangan ba talagang i-down nyo ang isa't isa para ma-convince ang mga botante?!)

  2. Yung walang patumanggang text ng text sa'kin para sabihing iyon na ang bago nyang roaming number at pasahan ko daw sya ng load para makatawag sya. Dude, mag-research ka muna bago ka mag-text ng ganyan para naman hinde masayang ang pagod mo at ang load mo.

  3. Mga hinde sumasagot sa text lalo na't importante text mo. Nameyn! Nag-effort ako na mag-text sana naman mag-reply. Hinde naman ako magtatanong kung hinde importanteng malaman ko yung sagot di ba? Syempre exception sa number na ito e yung mga taong wala talagang load...kaso, kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan di ba? (bato-bato sa langit, ang tamaan guilty nyahahahahaha)

  4. Mga nangungulit na kunin ko na yung free HMO coverage ko. Jusme! Yun lang ang masasabi ko, jusme wanmortaym!

  5. Syempre kung may nag-aalok ng libreng HMO coverage, meron din naman na nagsasabi na nanalo ako ng pibtitawsan pesosesoses at kelangan kong tawag si Atty. Manimanaog. Jusme agen! Sarap sakalin!

  6. Missed call na pag hinuyu (who you, gets?) mo e aawayin ka at sasabihing kliyente daw sila at ayaw na raw nilang makipag-transact sa'yo dahil panget daw customer service mo pero nung tinawagan mo e ibang kumpanya pala ang hinahanap nila. Tsk! Kung pwede ko lang ibagsak selpown ko, ginawa ko na. Tingnan kasing maige kung tama yung dina-dial na number!

  7. Mga nangangamusta na ayaw magpakilala. Anong sense nung pangungumusta mo kung ayaw mo naman pakilala? May crush ka sa'kin noh?!

  8. Mga humihingi ng pabor matapos magtago ng ilang buwan tapos hinde man lang makuhang kumustahin ka. Hinde naman masyadong kapalmuks kayo noh?! Matapos nyo akong paiyakin?! Tadtarin ko kaya kayo ng pinong-pino?

  9. Chain text. Mami-meet ko daw ang lalaking makakasama ko habambuhay pag sinend ko sa 10 tao yung text na 'yon. Pwes, hinde sya totoo.

  10. Forwarded text na hinde man lang in-edit. Hinde ako si "Mahal", ako po si "honey", nagkakaintindihan ba tayo?

Yun lang, balik na ulit ako sa pagmomongha...

Saturday, February 20, 2010

Rhonaisms # 6 (Kung tama ang pagkaka-alala ko)

Masakit mag-let go
Mas masakit ang makita ang iyong mahal na masaya at mas umunlad matapos mo syang i-let go
Pinakamasakit ang makita ang iyong mahal na walang pinagbago at lalo pang naging isip-bata matapos mo syang i-let go
Repeat after me:
Hinde nag e-emo si Kikayness
Hinde nag e-emo si Kikayness
Hinde nag e-emo si Kikayness

Sunday, February 14, 2010

Happy Single Awareness Day!

Yes, patapos na ang Valentine's Day. Kumusta naman ang inyong araw? Nakakakilig ba? Na-traffic ba kayo pauwi? Nag-init ba ang iyong araw?

Ako? Isang malaking HINDE muhahahahaha. Hinde na kasi ako naniniwala sa Araw ng mga Puso. Paraan lang yan ng mga kapitalista para kumita...ay wait! Isa nga rin pala akong kapitalista...hmmm....never mind, pwede pa naman akong maging realista (ang mag-sabing corny ang portion na ito ay papakainin ko ng tuyot na bulaklak ng katuray)

Umaga pa lang uminit na ulo ko kasi naman may isang tao dyan sa tabi-tabi na bigla na lang nag-backout ng last minute sa pamimigay ng flyers sa B.E.S.T. Workshop. Bad trip talaga.

Eto na lang, ano na lang ang natutunan ko mula sa araw na ito?
  1. Hinde lahat ng walang lablayp ay malungkot pag Valentine's Day. May iba na masaya dahil nakatulog sila ng buong araw (nyemas! natambakan na naman tuloy ako ng trabaho)
  2. May mga taong sadyang walang pagpapahalaga sa effort ng ibang tao. May iba naman na sadyang hinde lang marunong magpakita ng appreciation pero sa kaibuturan (naks!) ng kanilang puso, sobrang naappreciate nila ang mga ginagawa mo. At syempre, may mga tao naman na pati ang pag-utot mo ay na-aappreciate muhehehehehe
  3. Kadalasan, ang mga mahilig sa chismis at pang-aasar ay nasosopla ng dalawang letra - "So?"
  4. Hinde totoo ang kasabihang mahalin mo muna ang sarili mo bago ka mahalin ng iba. Mas madalas, chambahan lang yan. Maraming magaganda at matatalino at successful na babae akong kakilala na walang jowa kahit na konti na lang ay perpekto na sila. May mga lalake rin kasi na takot sa babaeng mas confident kesa sa kanila (oi! bitter si kikay!)

...yun lang at magde-date na kami ng laptop at iphone ko nyahahahah

.....HAPPY VALENTINE'S DAY ALL YOU MOTHERFATHER! AHIHIHIHIHI

Wednesday, February 10, 2010

Go Tibo!

Ewan ko ba, mahilig talaga ako sa mga underdogs kaya eto, mula MelaSon e todo suporta na ako kay Tibo para maging Big Winner. Oo, hinde ako addict sa PBB. Hindeng hinde!

So ano naman ngayon ang reason ko sa aking semi-hiatus mode? E kasi naman andami kong articles na kelangang i-edit. Ang ganda ko kasi, nagtayo ako ng article submission site. Ayun, kinakain nya tuloy ang oras ko kasi kelangan kong i-check if yung mga articles ba na nasa-submit e matino. Tapos meron pa kaming event sa Feb 28 (punta kayo ha sa B.E.S.T. Workshop ha?). Hinde ako busy noh?!

Kaya pasensya na muna at paminsan-minsan lang ako nakakapagparamdam, okay?

Dyan na muna kayo at babalik na ako sa pagte-text para manalo si Tibo hehehehe

Tuesday, February 2, 2010

Idol!

(At talagang once a week a post ko e noh?!)

Dahil sa tambay ako sa kanto bahay namin, ang madalas kong gawin pag buryong na buryong na ako ay manood ng TV. Oo, kahit re-runs ng CSI e pinapatos ko. Kahit nga re-run ng Higgleytown Heroes e pinapanood ko e. Hinde mo sila kilala? Pwes, dalawa lang yan - (1) wala kang cable or (2) wala ka pang anak.

At dahil dyan, may nag-text naisipan kong magtala ng mga bow akong characters sa Pinoy TV. (Sa mga hinde nakakaalam, hinde ako mahilig manood ng soap opera. Maka-AXN, HBO, Crime & Investigation, Star Movies, Cartoon Network at Disney Channel ako wahehehehehe) Aysolabdemmaygulay!
  1. Syempre mawawala ba ang malapit nang mawalang Santino ng May Bukas Pa? Nyemas na batang yan, naluluha pa lang sya ngumangawngaw na ako e. Alam mo ba kung anong mas nakakatuwa? E kasi naman kung tambay ka ng GTM, alam mong may pagkakahawig yung interviewhan portion ni Ryan Agoncillo a.k.a. Paolo sa post na ginawa ni deejay about Santino. Mas makabagbag-damdamin nga lang yung sa Channel 2.
  2. Isa rin sa mga idol ko sa May Bukas Pa ay si Hepe. Yes, lab ko na sya. Ang kulit nung character na yun. Mula pa nung tinutulungan nya si Mario laban kay Mayor. (Hinde naman masyadong halata na sinusubaybayan ko talaga ang May Bukas Pa noh?)
  3. Nung malapit nang matapos yung May Isang Ikaw, bow din ako sa acting ni John Estrada lalo na nung namatay na si Red. Grabe! Pati ako napaluha todo-todo to the max (hmm...kaso iyakin nga pala talaga ako)
  4. Syempre hanga din ako kay Jericho Rosales dahil sa loob lamang ng 2 to 3 weeks e gumaling sya from a "vegetative state" to "Flanax state". Oha?! G'leng-g'leng di ba?! Feeling ko pinag-pray over yun ni Santino hinde na lang pinakita e.
  5. Hinde talaga matatawaran ang tambalang Melay at Jason pero mas bow ako sa pagiging totoong tao nila. Akalain mo yun, si Jason dineretso si Paul Jake na minsan nasasaktan na sya sa mga biro nung huli?!? Sige nga, kaw ba kaya mong gawin yun sa isang taong kakakilala mo lang lalo na't mas malaki ang katawan sa'yo, mas mayaman at mas mataas ang naabot na edukasyon?! Kung kaya mo rin yun e labs na rin kita ahihihihi.
  6. Hanga din naman ako kay Paul Jake kasi ang tindi nung sakripisyong ginawa nya for Mariel. Konting tao lang ang kilala ko na willing na mag-sakripisyo for their friend. Sakit kaya sa katawan nung ginawa nya.

Oha? Hinde naman halata kung ano pinapanood ko sa Channel 2 noh?!