- May mga tao talagang iba ang pakahulugan sa salitang "kaibigan". Kaibigan = (1) loading station, (2) dept. of labor and employment, (3) cebuana lhuiller, (4) sugar mommy. Kaya ang motto ko ngayong taon na' to - Nek nek mo! KKB tayo!
- Hinde porke't dati kayong mag-bestfriend e babatiin ka nya pag nagkasalubong kayo ng landas. May mga tao talagang sadyang mas malaki ang tiwala sa iba kesa sa sarili nilang bestfriend o girlfriend.
- Minsan masarap mambasag ng trip kesa mabasag ang eardrums mo. Segue: Bait ng kapitbahay namin. Kay ganda ng kanyang tinig na pati mga patay sa North Cemetery ay nagbangunan at nagalsa-balutan. Nais ko sanang pasamahin na sya dun sa mga nagalsa-balutang zombies kaso inayawan din sya e.
- Mas maganda pa rin ang normal na sinehan kesa sa IMax. Bakit? Dahil pag ihing-ihi ka na, madali kang makakalabas ng walang naaapakang paa, nauuntog na tuhod, nauupang hita dahil na-off balance ka at nahahawakang hinde dapat mahawakan. Yuck! Bukod sa buong araw akong hilo dahil masyadong makatotohanan ang Avatar sa 3D.
- Iba talaga ang kapatid at mga magulang. Ibang klaseng magtanggol, ibang klaseng magmahal.
- Marunong pala akong magluto kahit walang kaharap na recipe! Yehey!
Side note:
Medyo nalungkot naman ako. Hinde ko pa napapanood hanggang ngayon ang Sherlock Holmes. Yung inaasahan kong sasama sa'kin e busy-busyhan. Tapos, eto pa. Katatawag lang ng Nuff Nang. Nag-co-confirm if sasama daw ba ako sa event nila this Saturday. Aguy! Naisin ko mang sumama e may nauna na akong natanguan. Sadness!
Ikaw, may natutunan ka ba last week bukod sa na-evict na si Hermes sa PBB? (kelan kaya mae-evict si Johann?!)