Tuesday, July 5, 2011

Pormsprung!

Kikayness, bakit palagi kang emo? Tapos palagi pang lovelife ang post mo?

Ano ba ang ibig sabihin ng emo? Hinde ba't emotional? Masama bang maging in touch sa aking inner self? Ha? Ha? Ha? At may magagawa ka ba kung sa sobrang pagiging perpekto ko e lovelife lang ang may sabit? Hinde ako galit. Nagtatanong lang.


Sa tingin mo, maganda ka ba?

BUT OPKORS! Tinatanong pa ba yan? Kung ayaw mong maniwala, gumawa ka ng sarili mong blog at wag na wag kang mapapadaan dito....no ex-links por yu!


Bakit ang hilig mo sa mga taong ayaw sa'yo?

There lies the challenge nyahahahahaha....hinde naman sa mahilig. Natataon lang na iba ang gusto nila pero karamihan sa kanila e naging friendly friends ko.


Totoo bang pagsa-sariling sikap ang pangunguyakoy?

Howmaygad! Ang mga tanong mo! Depende kung panong kuyakoy ang ginagawa mo. Ngayon, kung napapakagat-labi ka sa pagkuyakoy, ay! Umihi ka na, bastyanes ka! Mayu-UTI ka nyang ginagawa mo e


Bakit mahilig ka sa listahan?

Dahil isa akong frustrated na jueteng lord! ahehehehe...bakit ba, trip ko lang...bakit mahilig kang magtanong?


Bakit ang daming typo ng blog mo?

Ehem! Sino nagpapasok sa'yo dito?! Hinde yan error, sinadya yan para malaman kung metikuloso ka ba. Ipagpaumanhin mo pero patakas lang kasi ako mag-blog.


Di ba gumagawa ka ng articles? Bakit tagalog ang blog mo? Bagsak ka sa English ano?

Ay oo, bobo ako sa English. Sa math kasi ako magaling (wag po sana ako tamaan ng kidlat).

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wag mo nang hanapin ang formspring dito. Wala ako nun...gawa-gawa ko lang yan.

Monday, July 4, 2011

Ang Huling El Bimbo

Wala talaga akong balak mag-blog. Sa dami ng kinakalikot ko sa opisina, isang naghuhumindig na ay-port ang buksan ko ang blogger.com...kaso, napadaan ako sa kuta ni Lio at na-inspire sa kanyang latest post.

Kung siya ay may stalker, ako naman ay may stalk walang kahit na ano. Yung mapagpanggap kong lovelife ay tuluyan ko nangtinapos mga 30 minutes ago (oo, inorasan ko). Bakit kamo? Dahil sa mahal ko din ang sarili ko.


Kung ikaw ay madalas dito sa ehaws ko, malamang alam mo na kung sino tinutukoy ko. Panahon na para mag ala-Karylle. Ekshuli, kahit sang direksyon okay na, basta ang mahalaga maka-move on. Masakit kasi pag mahal mo ang isang taong walang pagmamahal na sa'yo pero ginagawa kang long-katuts. Mas gugustuhin ko pa ang magmahal nang walang pagmamahal sa'kin pero hinde ako inuutus-utusan at sinisigawan na para bang walang utak. E, emotera pa man din ako!



So, move on ang drama ko ngayong linggong 'to. Naalala ko dati na, para maka-move on, nagsimula akong mag-blog kaya heto, balik blogging world ako. Di bale nang walang nagbabasa basta may mapaglabasan lang ng sama ng loob.



Hinde ko sure if kakayanin ko. Sana kayanin ko. Simpleng problema lang naman 'to e (kaso nga emotera ako). Bbay steps. Pati post ko tuloy patalon-talon. Masakit kasi e. Ilang taon mong nakasama tapos napatungtong lang sa bayan ng mga paya na kalabaw na may bundok sa likod (oha, hulaan mo nga kung ano yan), e nagmama-angas na. Sabagay, marami naman syang babae. Dun na lang sya sa mga babae nya. Mas marami mang babae sa mundo, isa lang ako (grabe! hangtindi ng kompidens!). Hinde ako perpekto pero sure ako na masarap akong mahalin. Pano ko nalaman? Kasi minsan nang may nag-trato sa'kin na para bang ako si Duchesss Kate Middleton (duchess sya tama?).



Sabi nga ni Winkie, beggars can't be choosy (o choosers?)....kaso I'm not a beggar....oha!

Kaya ko 'to! Alam kong maraming matutuwa. Mga feeling kaibigan ko dun sa dati kong pinagta-trabahuhan pero mga traydor pala. Sige, matuwa na kayo. Inyo na yang kaibigan nyo. Hinde ko kayo ka-level. Langit ako, lusak kayo (cue: Cruella de Ville laugh<---bitter herbs!

Hayaan nyo muna ako mag mala-ampalaya. Kailangan kong pagdaanan ito. Kailangan kong dumaan sa butas ng karayom para lumabas na may hawak na Pepsi maging mas matatag na tao.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sana pinanganak na lang akong lalake.