Madali kang magkakagusto sa'kin dahil madaldal ako at bungisngis. Madali mo akong malalapitan kasi wala naman akong masyadong arte...
...pero sinasabi ko sa'yo, MAHIRAP AKONG MAHALIN:
- Iyakin ako. Kasama na syempre dun ang pagiging moody ko lalo na pag mainit ang ulo ko dahil sa ibang tao or pagod ako. At, madaling uminit ang ulo ko.
- Matigas ang ulo ko. Hinde mo ako basta-basta mapapasunod.
- Ayoko ng makwento lalo na't hinde naman ako nagkukwento (mas lalo na pag nakasakay sa bus)
- Ayoko ng pa-cute, ayoko ng pa-sweet habang nanliligaw. Sa tanda kong ito, hinde na bagay. Pang-high school at pangnagpe-perslab lang yan. Wag mo na akong purihin ng todo-todo, alam ko kung anong meron ako at kung anong wala.
- Demanding ako. Kelangan ko pa bang i-explain?
- Tamad akong mag-text kaya wag kang umasang rereplyan kita palagi. Tamad akong makipag-usap sa telepono kaya wag mo nang hingin ang number ko. Hinde ko rin naman ibibigay. Tamad akong gumala unless tayo na.
- Wag mo akong sindakin sa nalalaman mo. Magkamali ka pa dyan, malait lang kita. Nagkasala pa tuloy ako nang dahil sa'yo.
- Hinde pa kita sinasagot kaya tantanan mo ang paghawak sa kamay ko, pag-amoy ng buhok ko, at pasimpleng pag-akbay. Wag mong antaying mapahiya ka pa.
- Kulang ako sa brake fluid minsan. Ayokong pahabain ang paghihirap mo. Pag sinabi kong ayaw ko sa'yo, ayaw ko sa'yo. Wag mo nang isipin na nagpapa-cute lang ako. Hinde uso sa'kin yun. Nagpapa-cute lang ako sa jowa ko na at sa mga magulang ko dahil may kailangan ako.
- Kung bolahan lang ang gusto mo at simpleng kalandian, layuan mo na ako. Seryoso ako pag nagmahal, sa edad kong ito. Kalokah naman kung 30 ka na e pa-fling fling ka pa rin.
- Hinde ako nasisindak sa pera. Madaling kitain yan.
- Makakaakyat ka lang ng bahay namin pag type kita or sinagot na kita. Otherwise, wag mo nang tangkain na ihatid ako. Ililigaw lang kita.
- Pag tinawag kitang "friend", "kuya", o "ama/ itay", wag ka nang umasa. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo at kahit na tumandang dalaga ako, walang chance na magkagusto ako sa'yo.
I thank you.
*back to hiatus mode*