Friday, May 3, 2013

Ang Tunay Na Boyfriend

Nabasa ko sa isang status:

ANG TUNAY NA BOYFRIEND Susundan ka pag galit ka, hindi yung hahayaan kang umalis. Hindi ka bibitawan kahit na pinagtutulakan mo na siya. Tatanungin ka kung okay lang pag di ka nagsasalita. Bibigyan ka ng atensyon pag di mo siya pinapansin. Sasabihin niyang ikaw ang pinakamaganda pag naiinsecure ka. Yayakapin ka pero hindi magsasalita pag umiiyak ka. Aasarin ka rin at papatawanin pag inaasar mo siya. Sisiguraduhin niyang okay ka lang pag magkatext kayo at matagal kang sumagot. Ipapakilala ka sa magulang niya kasi mahal ka niya. Iiyak sa mommy niya kasi ayaw niyang mawala ka. Gagawin ang lahat magkaayos lang kayo pag may di pagkakaintindihan. Lagi ka sinu-surprise ng kung anu-ano. Yung makikipagtitiga n siya sayo hanggang sumuko ka. Lagi niyang sasabihin na miss ka na niya kahit magkasama lang kayo kanina. Yung mas pipiliin niyang makasama ka kesa maglaro ng video games buong araw. Hindi ka niya idedeny sa mga kaibigan niya dahil proud siya na girlfriend ka niya. Yung lalaking hindi ka iiwan, lolokohin, at ipagpapalit kasi ikaw lang yung mahal niya.Yung lalaking papakasalan ka kasi ikaw ang gusto niyang makasama habang buhay.

Yung totoo?

Kalokohan yan. Una, hinde manghuhula ang mga lalake. Pag naginarte ka, maiinis yan. Pag masyado kang nagna-nag, iiwan ka nyan. Pag masyado kang mag-whine, lalayo yan. Hinde nya gagawin lahat para maging okay kayo kasi kung talagang mahal ka nya, paminsan-minsan hahayaan ka nya para matuto ka din tumayo sa sarili mo. Konti lang ang lalakeng hinde gagawa ng kalokohan. Mas madalas, titingin sila sa iba, magkakagusto sa iba. Alam mo kung ano technique? Hayaan mo lang siya, kasi kung kayo, kayo. Kung hinde kayo, kahit mag-tumbling ka ng hubad, hinde kayo ang magkakatuluyan. Habang lalo kang nanggigipit, lalong lalayo yan. Konti rin lang ang lalakeng iiyak sa nanay nya dahil ayaw ka nyang mawala. Hinde rin nila sasabihin na "miss na kita" dahil kanina lang magkasama kayo. Hinde sila ganun. Teh, okay ka lang?!? Hinde lang sa'yo umiikot ang buhay nya. Ano naman yan, minion???