Thursday, March 25, 2010

I Feel The Earth Move

Promise, magpapakabait na ako. Babawas-bawasan ko na ang pagiging laitera at mamahalin ko na yung videoke king na kapitbahay namin.

Why the sudden change?

Meyn, nakakatakot ang napapadalas na lindol. Ayokong ipatawag ni Bro ng hinde handa ang aking shining, shimmering soul.

Seryosong usapan. Kayo ba e handa saksa-sakaling may tumamang 7.0 pataas na earthquake sa ating bansang sinilangan? Hinde? Pwes, makinig!
  1. Magandang lumabas ng bahay nyo kung sigurado kayong walang poste ng meralco na maaring bumagsak sa'nyo o kawad ng kuryenteng makaka-electrocute sa'nyo.
  2. Humanap ng matibay na table or kama na pwede nyong pagtaguan ang ilalim saksa-sakaling may magbagsakan na bagay sa'nyo. Kung wala, mag-crouching position sa corner ng inyong bahay or building.
  3. Jusme! Wag ka ng mag-elevator! At pwede ba, lumayo sa glass windows at mga bagay na pwedeng mabasag o mabagsak sa'nyo.
  4. Kung may matibay na doorway sa'nyong tahanan o building, stay there.
  5. Kung nasa loob ng sasakyan, stay there until the shaking stops. Wag mong patakbuhin yan in the hopes na makauwi ka bago pa magiba ang dinadaanan mo.
  6. Kung ma-trap ka man, wag kang basta-basta magbubukas ng lighter o posporo dahil baka may na-damage na tangke ng gas. Katukin ang pader para ipaalam na nasa ilalim ka. Sumigaw lamang as a last resort dahil maaari mong malanghap yung alikabok (maaari kang ma-suffocate dun). Takpan ng panyo ang bibig.
  7. WAG MAGPA-PANIC!

Sunday, March 7, 2010

Lessons From The Kapitbahay ni Kikayness

Kung merong award para sa pagiging addict sa videoke, palagay ko panalo na agad kapitbahay namin. Wala kasi silang patawad, 24/7 may videoke sa kanila. Naisip ko tuloy siguro pag nag-uusap silang mag-anak, pakanta na rin hehehehe. Pero marami naman akong natutunan sa kanya :

  1. Di baleng walang almusal basta makakanta. Ang tawag dyan "Passion". In Filipino, "Pasyon". Nakakaiyan talaga.
  2. Pwede palang kantahin ni Diomedes Maturan ang "Looking Through The Eyes Of Love". Hinde mo kilala si Diomedes Maturan? Pwes, itanong mo sa lola mo kung sino sya.
  3. May rap version pala ang "Perhaps Love". Maganda syang pakinggan kung nasa tamang beat nga lang ang aming kapitbahay.
  4. At kung ang Perhaps Love e may rap version, ang "Bad Romance" naman ay may slow version, yung tipo bang naririnig mo na si Kenny G. na nagsa-saxophone sa background sa sobrang bagal.
  5. Maganda ang rotating brownout - nakakapagpahinga ang tenga ko.
  6. Marunong mag-German ang kapitbahay namin at alam nya ang German version ng "Alone". Partida, falsetto pa pag kinanta nya. Dapat 'to sumali sa Talentadong Pinoy e.

Malaki din ang pasasalamat ko sa kapitbahay namin. Kung hinde dahil sa kanya, baka late na naman ako nagigising. Nakagawian ko na kasing patayin yung alarm clock pag tumunog e. At least, ngayon, pag kumanta na sya, wala akong choice kung hinde ang bumangon kasi lahat ng aso sa buong subdivision namin e nakiki-alulong.