Wednesday, May 5, 2010

Jejemons

Galing 'noh?! Napabasa ka dahil sa title (um-oo ka na lang).

Ekshuli, naisipan kong mag-election piece. Wag kang mag-alala, hinde kita kukumbinsihing iboto si Gordon o si Villar (pasensya, taga-Las Piñas ako kaya may libre siyang...errr...blog space). Sasabihin ko lamang na a a-diyes, tutal wala namang pasok, e, por Dios por Santo, bumoto ka!!!

Alam nyo, may mga ilang bagay lang akong ikinakainis sa politika dito sa Pinas:
  1. Traffic!!!! Ang init na nga, traffic pa. Alam nyo kung bakit? May mga sinto-sinto na kandidato na mahilig magpa-ikot sa speed na mas mabagal pa sa takbo ng suso (snail! ano yang iniisip mo?!) ng mga "singing" cars and/ or jeeps habang pinoproklama na iboto sila sa darating na eleksyon.
  2. Mga text ng text ng resulta ng serbey. Pwede ba, wala akong pakialam kung sino nangunguna at kung bakit hinde ko dapat iboto yung isang kandidato dyan sa Quezon! Una sa lahat, nasa Las Piñas ako. Wala akong say sa kung sino namumuno sa Quezon. Pangalawa, wala akong tiwala sa serbey.
  3. Mga email ng email ng kung anik-anik tungkol sa kalokohan ng mga kandidato at ng kanilang mga pakners in layp kahit na 100x mo nang sinabi sa kanila na "utang na loob, tanggalin nyo ako sa mailing list nyo!". Hinde ba nila alam na bawal yun?! Please lang, halata namang naninira lang kayo e. (Segue: bakit ba hinde magawa dito sa Pinas na mag-debate to death na lang yung mga kandidato kesa magsiraan?!)
  4. Mga posters na kung saan-saan lang nakadikit. Patin na yung obvious naman na lagpas-lagpas sa sukat na in-allow ng COMELEC.
  5. COMELEC! Nameyn, bigyan nyo naman kami ng sapat na assurance na walang failure of election na mangyayari. Bakit ba ayaw nyo ng manual voting?

Ayun lang...tago na ulit ako sa lungga ko.