July 1 na po (lagpas na sa deadline ang mga articles....lagot ako).
Maliit pa lang ako, isa lang ang dinadasal ko - Tulungan nyo ako. Tulungan nyo akong maging maunawain, maging mapagmahal at maging masunurin. Ayun, walang natupad hehehehe. Jowkness.
Papa God, pwede po bang mag-request? Pwede po bang lagi nyong i-inspire yung mga writers ko para naman hinde ako dilat bente kwatro oras? Ang hirap po kasing mag-edit ng articles na walang direksyon. Nakakamatay ng neurons. Konti na nga lang neurons ko, mababawasan pa.
Tsaka Papa God, since 29 na po ako sa 22, pwede po bang medyo dagdagan nyo naman ako ng taba? Hinde rin sasama ang loob ko kung medyo papatangkarin nyo ako ng konti para naman hinde ako tinatawag na nene nung kundoktor. Kamtutinkopit, okay din pala yun kahit pano kasi tipid sa pamasahe. Sige, kahit hinde na ako tumangkad maging kamukha ko lang si Megan Fox (Wops, sabi mo ask and you shall receive?)
Papa God, pakisabi nga pala kay Tatay, pautang muna 500, sa sweldo ko ibabalik. Jowk lang 'Tay. Pakisabi po kay Tatay, miss ko na sya
Pakisabi rin po pala kay Papa Pau, hinde natuloy yung kasal kaya oks lang kahit nagmadali syang makipagkita Sa'yo. Naku Papa God, wag kang masyadong tatabi kay Papa Pau, makwento yan. Hinde ka makakapag-trabaho hehehehe
Papa God, ngayong birthday month ko, pwede bang humiling ng world peace? Kukulit nung mga tao sa Iran e. Sarap pagbabatukan. Tsaka since 29 na ako, pwede rin bang humiling ng matinong lablayp? Hinde naman po ako choosy Jesus. Kahit si Jensen Ackles lang okay na. Hinde ko rin naman hihindian si John Lloyd. Seryoso, Papa God, sana po ipakilala mo na sa'kin kung sino man yung iniisip mo nung ginawa mo ako (hinde naman siguro si Dagul yan no?). Hinde naman po sa nagmamadali ako pero, Papa God, gusto ko lang pong maramdaman na importante din ako. Nakakapagod din po pala kasi pag palaging ibang tao ang inaalala mo tapos wala naman pakialam sa'yo. Gusto ko rin naman po na may mag-alala for me. Gusto ko rin po maramdaman na may isang taong takot na mawala ako. Yun bang tipong bukal sa loob niya, hinde yung dahil may hawak akong blade.
Papa God, alam nyo naman po na kahit kelan hinde ako naghangad na maging uber milyonarya. Yung tama lang, basta makatulong ako sa iba, okay na ako. Kaya Papa God, pwede bang ako na lang yung next Lotto winner? Ehehehehe, baka lang naman pwede.
Papa God, ingatan mo palagi si Papa tsaka si Mama ha? Tsaka si Nanay, tsaka si McB, tsaka yung dalawang ampon namin este kapatid ko tsaka yung ibang
Papa God, wala naman talaga akong matinong hiling para sa birthday ko e. Basta maalala lang ako nung mga taong mahalaga sa'kin, solb na ako (altho, kung magpapadala si Papa ng pera e hinde ko rin mamasamain. Pa, alam kong binabasa mo 'to. Wag kang tumalikod...woist, betdei gip ko!).
Isa pa pala Papa God, pwede po bang pabaitin nyo 'tong linsyak na pamangkin ko? Wala nang ibang ginawa kundi awayin ako e. Pinagalitan pa ako dahil mali ang pagkakasabi ko nung title nung pinapanood nyang cartoons. Sigurado po ba kayong 4 years old lang 'to? May kompidens-kompidens nang nalalalaman e.
Papa God, pwede bang sa birthday ko, surprise me? Pwede mo bang pagbigyan mo yung isa pang bagay na matagal ko nang hinihingi? Yung palagi kong hinihingi pag nagmomoment ako?
Yun lang po, Papa God. Ay lab yu
Amen!
PS (seryosohang usapan)
Papa God, never kong naging forte ang lamig ng ulo. Madali akong magalit at mainis. Bigyan mo po ako ng lakas na pigilan ang galit ko ngayon. Habaan mo po ang pasensya ko...please...
beys! bwahaha
ReplyDeletenako, ano kaya ang hinhingi mo pagnagmomoment ka Rhona? hmmmm. iniisip mo ba ang iniisip ko?
ReplyDeletehappy beerday in advance, Rhonsky!
@ Reesie
ReplyDeletenyehek! ambilis!
thanks thanks
secret muna un...kami lang muna ni Papa God ang nakakaalam
ang aga ni Ate Reesie nyehehehe. Ang ganda ng mga prayers, unselfish prayers.
ReplyDeleteDi muna kita iggreet Ate Rhona, di muna ko magwiwish para sayu, sa EB nalang.
Pero gaya ng lagi kong sinasabi sayo, mauuntog din yan, wag susuko okay? *mwahmwah
@Joycee
ReplyDeletemasyado ata natuwa sa'kin si Reesie kaya bumeys sya...mga 5 seconds matapos kong mai-post e nakapag-comment na sya...hinde halatang hexcited nyahahaha
*peace Reesie*
NEVER SURRENDER PA RIN!
ay ate sayted ng bonggang bongga?ako nga sa sabado na ang haberdey pero wala pang berdey post..ahehehe
ReplyDeletemwuah mwuaah halabsyu ate...at yung nisibai ko sayo sa wayem huh...
@ azul
ReplyDeletewag kang mag-alala, mukhang mapapadali yung request mo...wala ka bang napapansin?
Happy Birthday! Kelan bertday mo? Baka pareho tayo ng araw. hehehe.
ReplyDelete@Doc Mike
ReplyDeletenaku Doc, sa 22 pa...mejo matagal -tagal pa pero hexcited na ako
ayiiiieee..humirit pa sa huli si ate hehe...hamu at papakinggan din yan ni bro, close tayo dun di ba..
ReplyDeletehmm..sopryas ang gusto mo sa piberdei mo hmmm..
gusto mo ba ate mag arkila ako ng lalaki na macho na sasayaw sa harap natin ng careless whisper hehe...bulong mo lang sakin kung gusto mo at aarkilahin ko ung mokong haha..
sa 22 na kita babatiin (ang panget talaga ng term na to hehe..)
mwah...bebertdey nadin pala si azul sa saberdey hmmm..
@ lovely
ReplyDeletepasensya ka na kung hinde ako maka-reply ng matino...4 days na akong dilat...as in
at mainit pa ulo ko...akshuli hinde yan ang huling post ko...dinelete ko lang kasi mainit talaga ulo ko nung ginawa ko yun
haba naman ng letter mo kay Papa God.
ReplyDeletepwede kayang ako na lang maggrant ng isang wish mo? kung pwede lang ilipat ko sayo yung excess na taba ko noh? hehehe.
adv hapi bday! ;)
hekshuli meron..parang hindi kita naramdaman agad sa kuta nia kanina...uhmmm yun ba yun?
ReplyDelete@ AC
ReplyDeletesige,sasaluhin ko talaga yan ng bonggang bongga hehehe...see you on Sat!
Azul
yoko na dumaan dun, iinit lang ulo ko. kung type nya si Kuting, or kung sino man ang type nya, go...ayaw ko na makigulo dun. Ako lang ang nasasaktan e
...ano naman ako hangin?! wala lang?!
sabi na yun un eh..
ReplyDeletekalabitin mo lang ako sa ym hane ate..
o kaya tabihan kita matulog hehe..
ano bang sabi ko kahapon natatandaan mo ba hehe..
@ lovely -
ReplyDeletenaku Lovely, pagpasensyahan mo na...since 4 na araw na akong gising medyo hinde ko maalala yung sinabi mo ehehehe
nikakalabit kita sa ym san ka ba ng susuot ate wag naman sa ilalim ng kama hehe..alam ko kasya ka jan..
ReplyDeletehindi pa time ng taguaan ngayon maya na yan ehhe..
@ lovely -
ReplyDeletemaya pa ako makakapagonline...ma tinatapos pa akong articles...ayaw kong magdere-deretso 5 araw na dilat waaaaaa
hmmm..mega hexseyted na ang aking sister sa kanyang hapeberdey ah! ang agang bertdey wish..hehehe!
ReplyDeletehindi pa muna kita greet ngayon sa beerdey mo na pra mas masaya..nyahaha!
matulog ka nman uyy!..hehehe
twin sis ikay
ReplyDeletea syempre...baka makalimutan ako ni Papa God e...maya, pag natapos ko na 'tong ginagawa ko, matutulog na ako :)
ang haba parang wishlist sa buong buhay mo to ah..
ReplyDeletepero buong july ka ba talaga pinaghirapang mabuo?
heheheh month long celebration ang birthday mo!!
hapy happy birthday to you!!!
ay naku kasi ikaw naman tigas ng ulo parang ako lang..ahehe ang mga cancerian talaga..
ReplyDeletedapat pala nakasave sa folder mo yung pinagusapan natin sa ym ee o kaya nakasave sa calendar mo tas mea't mea ee pag alarmin mo..ahehe
Ay heksayted ka nga. ako nga sa isang linggo na pero parang wala akong masyadong dahilan na magsaya (ngayon lang ha!), pero thankful na din kasi nadagdagan nanaman ng isang taon ang 'adventure' ko. hehe.
ReplyDeletehindi ako kasama sa prayers mo! hehe. joke lang. pray ka lang ate rhona! matutupad yan. ewan ko lang sa mga artistang binanggit mo! hehe.
ReplyDeleteJason
ReplyDelete- akshuli 2 taon akong tinry na mabuo...muntik pang ma-deads dahil sa blood poisoning...sa 22na ang pibetdei
@azul
- akshuli naka-save sya...hinde ko lang binabasa ehehehe....tsaka waw sabaw pa utak ko ngaun...panay articles ang nasa utak
@Doc Mike
- ur alayb! lapit na din pala pibetdei mo...HBD! wak na lungkot! we lab yu! Be prepared for the another year's worth of adventures
@Ax
- pinagdasal kita...hinde raw tumatanggap si Papa God ng representative...kaw daw ang magdasal
@ Doc Mike
ReplyDeleteanuber! wrong gramming!
- ur alayb! lapit na din pala pibetdei mo...HBD! wak na lungkot! we lab yu! Be prepared for another year's worth of adventures
easy ka lang ha. tara masahe kita. soft? hard?
ReplyDelete:)
sa wakas nakapasok din ako! hahaha. minsan lkang ako makadalaw sa bahay mo tas mainit pa ulo mo :)
ReplyDeletesmile lang ha. tandaan sayang ang araw na masasayang sa kung sisimangot ka
dencio
ReplyDelete- yehey! nakapag-comment ka rin!
sows ka! kapayat ko na nga gagawin mo pang hard!
ok n ako..naka-smile na ako e ---> Ü
ayan di pala ako naka-agcomment d2 CF!
ReplyDeleteang haba ng prayers ah! at hangkuleet!!
sige gagawa na ako ng entry..
i mean gagawin ko na yung articles na pinapagawa mo ng magkalaman naman paypal ko. haha
ReplyDelete@CF
ReplyDeletewoist ang deadline don't forget